PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco surprises Heaven at Viva

Heaven Peralejo, malaki pa rin ang pasasalamat sa Star Magic.
by Jojo Gabinete
Published Apr 27, 2023
heaven peralejo marco gallo viva
May pa-white roses si Marco Gallo sa kanyang The Rain In Espana leading lady na si Heaven Peralejo nang ipakilala ang aktres biglang contract star ng Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang pagdating ni Marco Gallo sa media conference para kay Heaven Peralejo ang isa sa mga sorpresa sa aktres na lumipat sa Viva Artists Agency noong Abril 26, 2023.

Si Marco ang leading man ni Heaven sa ten-part series na The Rain in España na mapapanood sa Viva One streaming platform.

Read: Pagbibida nina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa "The Rain in España," trending sa social media

Pero bago ito, unang nagkasama ang dalawa bilang mga housemate ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Bitbit ni Marco sa kanyang "surprise visit" ang anim na puting rosas na ibinigay niya kay Heaven. Pinaniniwalaang simbolo ito ng anim na taong hindi nila pagkikita mula nang manirahan sila sa PBB house.

Lalong tumibay ang mga hinalang may nabuong pagmamahalan sa pagitan nina Marco at Heaven nang magkasama sila sa The Rain in España dahil sa mensaheng isinulat ng Filipino-Italian actor na kalakip ng mga bulaklak na kanyang ibinigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binasa ito ni Heaven sa harap ng entertainment press.

Nakasaad dito: “A bouquet of white roses is a subtle and thoughtful way to express yourself when words fail and can also symbolizes a new beginning and unconditional love. So in these next couple of years, in those moments we will be filled with obstacles, always remember you always have someone beside you who will truly understand you for who you are.”

Read: Marco Gallo at Heaven Peralejo, may something?

Sina Marco at Heaven ay former contract stars ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Naunang lumipat si Marco sa Viva Artists Agency noong October 2019. Mula noon, nagkasunud-sunod ang kanyang mga proyekto sa pelikula at sa telebisyon.

Naniniwala si Heaven na magkakaroon din ng malaking pagbabago sa kanyang acting career dahil sa paglipat niya sa talent management agency ng Viva Entertainment, pero tumatanaw pa rin siya ng utang na loob mula sa Star Magic at ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “I’m very very grateful kasi hindi naman ako magiging ako ngayon kung hindi dahil sa ABS-CBN. Nag-usap na rin po kami, nagpaalam po ako nang maayos.

“Naintindihan po naman nila na sa isang pamilya, meron talagang isa na nagwa-wander, nag-e-explore. Pero anytime, nandiyan sila para i-welcome po ulit ako.

“Sabi ko nga, I’m so happy na may addition ako na family and to my life. Okay po kami. Grateful talaga ako.

“Definitely, I’m very happy now that I have a new family. Now that I have a plan for the whole year.

“I think I got a lot more mature so I’m very willing and open to take more projects na talagang mapu-push ang limit ko bilang aktres."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May pa-white roses si Marco Gallo sa kanyang The Rain In Espana leading lady na si Heaven Peralejo nang ipakilala ang aktres biglang contract star ng Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results