Hindi ikinagulat ng mga nakakaalam sa tunay na kuwento ang pagtanggi ni Ana Jalandoni na nagkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na si Kit Thompson, na inakusahan niya ng pambubugbog noong March 2022.
Read: Ana Jalandoni, itinangging nagkabalikan sila ng ex-BF niyang si Kit Thompson
Dapat umanong maunawaan si Ana sa desisyon nitong pabulaanan o itago ang katotohanan. Alam niyang matinding batikos ang kanyang matatanggap mula sa publikong nakikisimpatiya at paulit-ulit ang paalaalang huwag na siyang makipagbalikan kay Kit.
Ang Cornerstone Entertainment ang namamahala sa acting career ni Kit at ang naturang talent management agency ang naglabas noon ng opisyal na pahayag tungkol sa pisikal na pananakit na ginawa ng aktor kay Ana sa isang hotel sa Tagaytay City noong March 2022.
Noong June 10, nag-post ang Cornerstone Entertainment sa official Instagram nila ng larawan ng pagdalo ni Ana sa press conference ng kanyang bagong pelikula kaya lalong lumakas ang mga haka-hakang tuloy ang pagmamahalan nila ni Kit dahil isang management agency na lamang ang nangangalaga sa kanilang mga showbiz career.
Karapatan ni Ana na protektahan ang sarili at itanggi ang isyung pinaniniwalaan nitong magiging mitsa para husgahan siya ng mga tao matapos ang karanasang inakala niya noong magdudulot sa kanya ng kamatayan.
Si Ana ang may kontrol sa kanyang salaysay dahil siya ang pangunahing sangkot kaya mabibigo ang mga taong ipilit ang diumano’y katotohanan na nalalaman nila.
Pero paulit-ulit mang pabulaanan ni Ana na nagkabalikan sila ni Kit, baka mahirapan siyang itanggi ang malaking pagbabagong nangyayari ngayon sa kanyang personal na buhay at maaaring maging dahilan para pansamantalang pagtuunan niya ng pansin ang sariling kapakanan.
Relaed Stories:
- Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson
- Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police
- Kit Thompson's management releases new statement on actor's alleged assault
- Kit Thompson, nakapagpiyansa na; Ana Jalandoni, pursigidong magsampa ng kaso
- Kit Thompson out on bail after allegedly assaulting girlfriend Ana Jalandoni
- Ana Jalandoni, nakalabas na ng ospital; sinampahan ng paglabag sa VAWC si Kit Thompson
- Ana Jalandoni, pinagbantaan umano ni Kit Thompson: "Pag iniwan mo ako, patayin kita."
- Ana Jalandoni, galit pero mahal pa rin si Kit Thompson pagkatapos ng pananakit nito sa kanya
- Kampo ni Ana Jalandoni, posible ring kasuhan si Kit Thompson ng serious illegal detention at frustrated homicide
- Ana Jalandoni claims Kit Thompson pointed a knife at her during one of his outbursts
- Ana Jalandoni, nawalan ng kumpiyansa sa sarili dahil sa dinanas kay Kit Thompson
- Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson took issue with her sexy films, followed ex-suitors on Instagram
- Ana Jalandoni in tears as she tells how Kit Thompson hurt her badly in March 17 fight: “Mamamatay ako dito kapag di ako tumakas."
- Ana Jalandoni at Kit Thompson, muling nagkita sa hearing