PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Noontime Showdown Intensifies"

Hosts ng 'It's Showtime' at 'Eat Bulaga!' magku-crossover?
by Jojo Gabinete
Published Jun 27, 2023
noontime shows
May mga espekulasyong magsasanib-puwersa ang 'It’s Showtime' at ang 'Eat Bulaga!' dahil tatapatan nila ang pilot telecast ng noontime show ng TVJ at legit Dabarkads sa TV5.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network / TV5

Inihayag ni GMA Network Inc. Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon sa opisyal na pahayag nito sa Fast Talk with Boy Abunda noong June 20, 2023, na magkakaroon ng malaking contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

Ito ay para sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime na mapapanood na rin sa GTV, ang subsidiary ng Kapuso Network, simula sa darating na Sabado, July 1, 2023.

Read: CONFIRMED: 'It’s Showtime' to transfer from TV5 to GTV

“We are happy to provide a home to It’s Showtime,” pahayag ni Atty. Gozon.

Ikinagulat ito ng marami dahil hindi nila inaasahang darating ang panahong mapapanood ang rival noontime program ng Eat Bulaga! sa sister station ng GMA Network.

Nakatakdang mangyari ang pagpirma ng kontrata ng mga kinatawan ng ABS-CBN at GTV, kasama ang mga host ng It’s Showtime, sa Seda Hotel, sa may Quezon City, ganap na alas-tres ng hapon, bukas, June 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng sinabi ni Atty. Gozon, isang malaking okasyon ang magaganap na contract signing matapos ang telecast ng Kapamilya noontime variety show na pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario bukas.

Mag-uumpisa rin sa July 1 ang noontime show Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, at ng "legit Dabarkads" sa TV5—na hindi pa isinisiwalat ang pamagat—kaya nakatutok ang lahat sa mga mangyayari sa darating na Sabado.

May mga espekulasyong magsasanib-puwersa ang It’s Showtime at ang Eat Bulaga! dahil tatapatan nila ang pilot telecast ng mga dating host ng Eat Bulaga! na nagpaalam sa TAPE Inc. noong May 31, 2023 at lumipat sa TV5.

Read: MVP on choosing between It’s Showtime and TVJ: “It was just a purely business decision.”

May mga nagpapatotoong magkakaroon ng crossover o pagtawid at pangangapit-bahay ng mga host ng It’s Showtime at Eat Bulaga!.

Nangangahulugan itong mapapanood sa Eat Bulaga! ang mga host ng noontime program ng ABS-CBN, at masisilayan sa It’s Showtime ang mga bagong host ng noontime show ng TAPE Inc.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung matutuloy ang nasabing plano, may dahilan para mayanig ang televiewers dahil sa kaabang-abang na “head-on collision” sa pagitan ng TVJ at ng mga host ng It’s Showtime at Eat Bulaga! na magpapasigla sa Philippine television industry.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga espekulasyong magsasanib-puwersa ang 'It’s Showtime' at ang 'Eat Bulaga!' dahil tatapatan nila ang pilot telecast ng noontime show ng TVJ at legit Dabarkads sa TV5.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results