May makahulugang post si Joey de Leon sa kanyang Instagram kahapon, June 18, 2023.
Pinaglaruan ng tinaguriang “Henyo Master” ang mga salitang “Tama” at “Mali.”
Binalikan din niya ang defunct gag show niya sa TV5 na Wow Mali.
Read: Joey de Leon reminisces about 'Wow Mali' after announcement of TVJ transfer to TV5
Nagparamdam din siya tungkol sa bagong show nila ng TVJ—Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey—at “legit Dabarkads" sa Kapatid Network.
Tila may halo namang pitik ang dulo ng kanyang posts dahil parang may pinatatamaan siya sa “ANG MALI SILA.”
Buong post ni Joey, “Noon, ang sabi ko sa ‘Wow, Mali!’, ANG TAMA NAKAKATUWA, ANG MALI NAKAKATAWA.
“Ngayon at malapit na, sa ‘Wow, LIMA!’, ANG TAMA LIMA, ANG MALI SILA! Smile”
View this post on Instagram
Malapit nang mapapanood ang bagong show ng TVJ at “legit Dabarkads" sa TV5. Hinuhulaang sa July 2023 na ito eere sa Singko.
Katunayan, nakapag-pictorial na ang TVJ noong June 14, kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo, at Paolo Ballesteros sa Reliance Studios ng network sa Mandaluyong City.
Sa isang bahagi ng video na lumabas sa YouTube, nagtanong si Joey kung naka-live ang video ni Ryan dahil ayaw niya ng "tape" — pabirong patutsada sa producer ng kanilang dating programa na napapanood sa GMA-7.
Biro pa ni Joey, “Live ba ‘to? Ayaw namin ng tape, ha? Gusto namin live! Hindi ito tape ha? Okay!”
Read: TVJ at Dabarkads, nag-pictorial na para sa noontime show nila sa TV5
Samantala, sa nakatakdang pag-ere ng TVJ show sa TV5, may bulung-bulungan namang kumakalat na ang It’s Swhotime ay maglilipat-bakod din.
Hanggang June 30, 2023 na lamang kasi ang kontrata nila sa istasyon.
Maaaring ito ang dahilan kaya may balitang lumabas na diumano ay malapit nang mapanood ang naturang programa sa GTV o Good Television, ang free-to-air TV station na pag-aari ng GMA Network.
Read: 'It's Showtime' mapapanood sa GTV kapag nagsimula na ang TVJ noontime show sa TV5?
