Ang bagong theme song ng Eat Bulaga! ang inilunsad sa pagdiriwang ng ika-44 anibersaryo ng programa ngayong Sabado, July 29, 2023.
Naging kontrobersiyal ang Eat Bulaga! dahil sa pag-alis at pagbubukas ng sarili at katapat na noontime show sa TV5 ng mga original host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Read: 'E.A.T.' at 'Eat Bulaga!' sabay na nagdiwang ng anibersaryo
Ang mga bagong Eat Bulaga! host na sina Isko Moreno, Paolo Contis, at ang kanilang mga kasama ang umawit sa theme song na may pamagat na “Tahanang Pinakamasaya, Eat Bulaga!"
Ito ang lyrics ng kana:
Dahil kayo ay nandiyan, hatid namin ang tulong at saya.
Kayong lahat ang dahilan kaya kasama pa rin ang Eat Bulaga!
Tahanang pinakamasaya, Eat Bulaga!
Tahanang pinakamasaya, Eat Bulaga!
Tahanang pinakamasaya Eat Bulaga!.
EB? Happy!
Happy? EB!
Hindi ka iiwan, saang sulok ka man ng mundo, kasama pa rin sa tanghalian niyo.
Tahanang pinakamasaya.
Tahanang pinakamasaya, Eat Bulaga!
Tahanang pinakamasaya, Eat Bulaga!
Kayong lahat ang dahilan kaya kasama pa rin ang Eat Bulaga!
EB? Happy! Happy? EB!”
Napaluha ang mga host ng Eat Bulaga! matapos mapanood ang music video ng bagong theme song ng kanilang noontime show na sila-sila ang umawit.
Nilikha umano ang kanta para sa lahat ng mga Pilipino, ayon sa paliwanag ni Paolo.
Aniya, "All for you dahil 44 na tayo. Para sa mas masayang tanghalian at sa araw-araw na busog ng puso na pagtulong para sa inyo, ito ang bagong kanta para sa bawat Pilipino na naging bahagi ng kasaysayan ng noontime at nakilala po natin sa tawag na Eat Bulaga!.”
Kabilang din sa 44th anniversary presentation ng Eat Bulaga! ang game segment na "Word of the Rings," na hindi maitatangging katulad na katulad ng "Pinoy Henyo" ang format. Binago lamang ang pamagat para iwas-intriga at kontrobersya.
Imbes na "Oo" o "Hindi," "Mali" at "Tama" ang isasagot ng contestants sa salitang pinahuhulaan sa "Word of the Rings."
Ang ex-couple na sina Alma Moreno at Joey Marquez at ang mag-amang Zoren at Cassy Legaspi ang mga naglaro sa "Word of the Rings."
Pero dahil sanay sa "Pinoy Henyo," "Oo" at "Hindi" pa rin ang ginamit sa pagsagot ng mga nalilitong celebrity contestant.