May banat si Joey de Leon sa revamped Eat Bulaga! tungkol sa plano ng TAPE, Inc. na magkaroon ng engrandeng selebrasyon para sa ika-44 anibersaryo ng longest-running noontime show.
Ang TAPE ang producer ng Eat Bulaga!, na ang pioneer hosts ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey o TVJ, hanggang sa kumalas sila rito noong May 31, 2023.
Sa Sabado, July 29, 2023, nakatakdang ipagdiwang ng Eat Bulaga! ang ika-44 na taon nito sa ere.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Sa Instagram kahapon, July 26, 2023, may parunggit na naman ang TVJ sa programang inumpisahan nila at pinaniniwalaaan nilang sa kanila pa rin.
Makikita sa post ni Joey ang larawan niya kasama sina Tito at Vic, na nasa loob ng dressing room ng E.A.T. sa TV5. Nakasuot sila ng pulang T-short na may nakasulat na “44.”
Nasa harapan nila ang isang cake na kulay pula at puti.
Nakasulat dito “Happy 44.”
May nakapalibot din ditong mga numerong “14344” na ang ibig sabihin ay “I Love You Very Much.”
Pero ang “44” ay sumisimbulo sa 44 years ng Eat Bulaga!.
Sa caption, may diretsong patama si Joey sa revamped Eat Bulaga!: “You cannot complete and celebrate 44 years without the PAST! [winking face with a big open grin and its tongue sticking out emoji] 14344 Dabarkads!”
View this post on Instagram
Nagkomento sa post na ito ang mag-asawa at One PH anchors na sina Julius Babao at Christine Bersola-Babao, dating kasamahan ng TVJ na si Gladys Guevarra, komedyanteng si Kakai Bautista, at ang legit Dabarkads na si Ryan Agoncillo.

PAOLO CONTIS: “WE’RE NOT CELEBRATING THE PAST…”
Noong July 22, 2023, sa panayam ng PEP Troika, sinabi ng isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga! na si Paolo Contis na may hinahanda silang malaking selebrasyon para sa 44th anniversary ng noontime show.
Saad niya, "Definitely, it will be very big, it will be very grand. Katulad nga po ng sinasabi ko lagi, yung sini-celebrate po natin ay yung show. Sini-celebrate po natin yung institution ng Eat Bulaga!.
"We're not celebrating the past, we're not celebrating the hosts. We're celebrating the people who have been supporting the show for the longest time.
"Kami po ay taga-host lang ng show. Pero ang isi-celebrate po natin ay yung show 'ika nga.”
Read: Paolo Contis, tiniyak na magiging "big" at "grand" ang 44th anniv ng 'Eat Bulaga!'
Inaasahang magkakaroon din ng sariling selebrasyon ang TVJ sa E.A.T. sa Sabado.
Samantala, kaninang umaga, July 27, 2023, dumalo sina Tito at Joey sa pagdinig sa Marikina Regional Trial Court kaugnay ng mga reklamong copyright infringement at unfair competiton na isinampa nila laban sa TAPE at sa GMA-7.
Read: Tito Sotto on TAPE: "They're deceiving the people by saying na sila yung 'Eat Bulaga!'"
