PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Personality, sadyang iniwasan si Star?

Marami ang nag-aabang sa paghaharap sana ni Personality at ni Star, pero...
by PEP team
Published Jul 25, 2023
blind item
Marami ang nag-aabang sa paghaharap sana ni Personality at ni Star, pero hindi sila nagkita at all sa event. Bakeeet?
ILLUSTRATION: Igi Talao

Sa isang katatapos na event, maraming abangers hindi lamang sa kung ano ang suot-suot ng mga artista o kung sinu-sino ang magkaka-date.

May mga pagtatagpo ring inasahang mangyayari, pero hindi nangyari.

Dapat sana ay magkikita si Personality at si Star sa event na ito.

Dapat sana ay magkakadaupang-palad sila.

Dapat sana ay mapag-uusapan ang magiging batian nila.

Dapat sana ay matutuldukan na ang ilang taong isyu na namagitan sa kanila.

Pero mukhang hindi pa tama ang panahon para maganap ang alinman sa mga ito.

Read:

Byuting Aktres, karir sa pag-ex-deal para sa kanyang kasal

Aktres, nagbubulag-bulagan lamang sa pagtataksil ng mister?

Ayon sa nakausap na source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), umalis agad si Personality bago dumating si Star.

In short, hindi sila nagpang-abot.

At ang hinuha pa ng source, sadyang naunang umalis si Personality.

Dahil kaya may iba pang lakad kaya nagmamadali?

Dahil kaya masyadong late nang dumating si Star sa venue?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil kaya hindi pa handa si Personality na makaharap si Star?

Dahil kaya sadyang umiwas si Personality na mapag-usapan sa event ang naging isyu nila noon?

Read:

Female showbiz personality, spoiled kay rich boyfie; may bodyguards na, may bagong kotse pa

Anak ni happily married actress, kahawig ni '90s hunk?

Anuman ang rason, hindi sila nagtagpo, at lalong hindi sila nagbati.

Kung sabagay, mukhang hindi naman tipong takaw sa publicity si Personality.

At sabi naman ni Star, mas maganda kung personal silang magkaka-usap para mas sinsero.

Kaya it was not the right time and the right place.

Mas maigi nga namang matuldukan ang naging isyu nila dati nang walang press at wala ring camera.

Read:

Sikat na Personality secret love ni Mayamang Politician?

Dalawang aktres at dalawang starlet, balik "pa-booking"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang nag-aabang sa paghaharap sana ni Personality at ni Star, pero hindi sila nagkita at all sa event. Bakeeet?
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results