GORGY RULA:
Ipinakita sa akin ng ina ng Magandang Model-Actress o MMA ang text ng isang Controversial Starlet o CS na nasangkot sa malaking iskandalo sa kanyang boyfriend noong nakaraang taon.
Ang text ni CS sa ina ni MMA: "Ako po si tsu-tsu ang girlfriend ni [pangalan ng aktor].
"Ako po yung, yung na-tsu tsu [sinabi niya kung ano yung gulong kinasangkutan nito sa kanyang boyfriend]."
Nagulat ang mudra ni MMA dahil wala siyang alam sa mga nangyayari.
Ipinagtataka rin niya kung bakit nagpakilala at nag-text sa kanya si CS, kaya tinanong niya ito.
Pero tinanong din siya ni CS kung magkaibigan daw ba ang anak ni mudra na si MMA at ang kanyang boyfriend.
Hindi naman alam nung nanay. Hindi raw niya pinapakialaman kung sino ang mga friends ng kanyang daughter.
Ang alam lang daw ng mudra ay masaya ang daughter niya sa kasalukuyang boyfriend na napakaguwapo at mayamang anak ng isang dating aktres.
Ang dating ng text nitong si CS ay parang nag-iimbestiga kung ano ang kaugnayan nitong si MMA kay aktor, na nakarelasyon niya noon at nasangkot sa malaking iskandalo.
Mukhang totoo yata ang kumalat na tsikang nagkabalikan sila kahit ang dami nang nadamay sa iskandalo.
Parang ang hirap paniwalaan.
Pero tila hindi pa sapat ang pinagdaanan ni CS sa dating boyfriend. Nangibabaw siguro talaga ang wagas na pagmamahalan kaya nalamuyot na naman ang puso niya, at baka nga nakipagbalikan sa dating boyfriend.
Ano na ang nangyari sa kaso?
Read:
Personality, sadyang iniwasan si Star?
Aktres, nagbubulag-bulagan lamang sa pagtataksil ng mister?
JERRY OLEA:
Langhap-sarap naman kasi si Aktor, at baka hinanap-hanap ni CS ang pagmamahal na nalasap niya dito.
Nang huli kong mainterbyu ang CS ay pagkatigas-tigas ng kanyang denial sa tsikang nagbalikan sila ng ex-boyfriend niyang aktor.
Maigting, mataginting, at naghuhumindig ang kanyang paninindigan eme.
Ang eklay ni CS, nakipag-friends siya sa aktor for peace of mind.
Isang bathroom fixture lang daw ang nagpapaligaya sa kanya sa mga araw na ito, pero ipina-off the record niya kung ano iyon.
Kaya mga beshie, huwag na kayong malungkot. Kumain na lang kayo ng jolly hotdog!
Read:
Guwapong leading man at magandang lead actress, nahuling "nagpa-practice" ng kissing scene off cam
Anak ni happily married actress, kahawig ni '90s hunk?
NOEL FERRER:
Grabe ang rumba (the dance of love) na ito. Pero parang silang lahat, di na natuto. Matatanda na sila. Sana, alam na lang nila ang ginagawa nila.
Read:
Male personality, kuda nang kuda laban sa hosts ng noontime show
