GORGY RULA
Tawang-tawa ang production staff sa isang female PA o production assistant na bago pa lang sa kanyang trabaho.
Kasama si PA sa isang teleserye na kasalukuyan pang napapanood.
Nasa isang resort somewhere in the north ang taping at ilang araw silang naka-lock-in doon para tuluy-tuloy ang trabaho.
One taping day, aligaga na ang mga staff sa pagsi-set up.
Gusto ni Direk na i-rehearse ang eksena ng Guwapong Leading Man (GLM) at Magandang Lead Actress (MLA).
Kaso, nawawala ang dalawa.
Read:
- Sikat na Personality secret love ni Mayamang Politician?
- Anak ni happily married actress, kahawig ni '90s hunk?
Tinanong sa alalay kung nasaan si MLA, waley raw sa kuwarto. Hinanap si GLM, wala rin sa kuwarto niya.
Ayon sa ilang staff ng resort, nakita ang dalawa sa dulo lang malapit sa terrace. Nagkakagulo na pala ang staff ng resort sa pagsilip kina GLM at MLA na naglalaplapan sa sulok.
Keber daw ng dalawa na may mga CCTV na nakatutok sa kanila. Basta, masaya sila sa kanilang ginagawa.
Pati yung PA na naghahanap sa kanila ay naabutan ang todong pagmomomol ng dalawang bida.
Natakot si PA na lumapit sa kanila kaya bumalik siya sa set.
Walang kamali-malisyang nagtanong ang PA sa executive producer kung kissing scene daw ba ang kukunan. Tingin daw niya kasi ay nagre-rehearse na ang dalawa para sa kukunang kissing scene.
Natawa si EP. Paano raw kissing scene, e, may pagka-action pa nga raw ang kukunan, at medyo madugo kaya kailangan daw i-rehearse nang maayos.
Iyon tuloy ang paboritong topic na pinag-uusapan nung araw na yun. Pati pala mga staff ng resort ay yun din ang pinag-uusapan dahil nakikita sila sa CCTV.
Read:
- Dalawang aktres at dalawang starlet, balik "pa-booking"
- Male personality, kuda nang kuda laban sa hosts ng noontime show
Hindi lang daw minsan yun. Ilang beses daw silang nahuhuli ng CCTV na tukaan nang tukaan.
Hindi raw kasi puwede sa kanilang kuwarto dahil may kasama sila. Kaya kung saan-saang bahagi ng resort sila nagtatagpo para magmomol-momol.
Hindi raw nila matanong kung nagkakadebelopan na ba sila o wala lang. Magkakaalaman din daw iyan bago matapos ang teleserye nilang maganda ang performance sa ratings.
JERRY OLEA
Basta maganda ang performance ng palabas sa ratings, keber na kung maganda ba, so-so, o kebs-kebs ang kissing or acting scenes ng mga bida, on or off the CCTV.
You cannot argue with success, Mima Ropa!
Malay mo, malay ko, malay nating lahat… ang momol-momol na iyan ay nagpapadagdag sa kanilang sexual chemistry na hinahalu-halo o hinahalu-halukay ng mga lolang mambabarang.
Read:
NOEL FERRER
Hayyy they are consenting adults naman at alam nila kung ano ang tama o mali. Pero sana talaga, maayos ang kanilang mga performances sa teleserye.
Sana, craft ang end goal, hindi ang personal pleasure lang, ha?
