PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, ayaw nang makatrabaho ang male co-star na walang respeto

Sakit sa ulo!
by Jojo Gabinete
Published Aug 27, 2023
blind item
Hindi maatim ng aktor ang pinaggagagawa ni male co-star sa movie kaya ayaw na nitong magkatrabaho sila ever!

Ayaw nang makatrabaho ng aktor ang male co-star niya sa isang pelikula.

Sakit sa ulo kasi.

Nasaksihan ng aktor at ng buong production staff ang pambabastos ni male co-star sa mga kaawa-awang bit player na pawang mga babae.

Ang aktor, na malaki ang respeto sa kababaihan, ang nanlumo sa mga salaulang salita na pinakawalan ng pasaway na male co-star sa mga pobreng biktima na nakatikim ng diskriminasyon.

Read:

Dalawang aktres, nagkalamat ang pagkakaibigan dahil sa selos

Showbiz personality, nakaranas ng pang-aabuso not just once but twice

Dating Sikat na Aktor, ano ang relasyon sa isang Mayamang Babae

May isa pang insidente na nalasing ang male co-star at nahulog sa hagdan. Pero imbes na bumangon, natulog na lamang ito dahil hindi na niya magawang ibangon ang sarili.

May ugali rin ang male co-star na kumakatok sa pintuan ng mga kuwarto ng kanyang mga katrabaho, kahit dis-oras ng gabi para mangulit.

Ang kawalan ng respeto ng co-star ang dahilan kaya binawasan ang kanyang mga eksena at ginamitan siya ng double.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager

Pretty Actress naka-fling si Sikat na Aktor

Aktor, clueless sa pagtatapos ng kinabibilangang programa

Sobrang dismayado ang aktor sa ugali na ipinamalas ng male co-star kaya kahit may respeto ito sa kanya, ayaw niya munang magkasama sila sa anumang mga proyekto.

Sa ngayon, pinagbabayaran ng undisciplined male co-star ang kanyang mga kalokohan.

Bukod sa nilalayuan siya ng mga dating kaibigan, wala nang may gustong mamahala sa showbiz career niya dahil sa mga problema at sakit ng ulo na kanyang ibinibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz tita
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi maatim ng aktor ang pinaggagagawa ni male co-star sa movie kaya ayaw na nitong magkatrabaho sila ever!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results