PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Siklistang biktima ng road rage, napilitan lang makipag-areglo?

Retired policeman, posibleng sampahan pa rin ng mga reklamo.
by Jojo Gabinete
Published Aug 28, 2023
wilfrdo gonzales road rage incident
Hindi pa umano tapos ang problema ng retired policeman na si Wilfredo Gonzales (kaliwa) dahil posible siyang sampahan ng mga reklamo kaugnay ng road rage incident na kinasangkutan niya noong August 8, 2023.
PHOTO/S: Facebook

Para kay retired Quezon City Policeman Wilfredo “Willie” Gonzales, "case closed" na ang usapin sa pagitan nila ng siklistang binatukan at kinasahan niya ng baril sa isang road rage incident.

Nangyari ang insidente sa Welcome Rotonda, Quezon City, noong Agosto 8, 2023.

Ayon kay Gonzales, nagkaayos na sila ng biktima kaya tapos na ang isyu.

Read: Driver na nanakit ng siklista sa road rage incident, lumantad na

Nang humarap si Gonzales sa press conference sa Camp Karingal, Quezon City, kahapon, August 27, 2023, inamin niya ang kanyang pagkakamali.

Kasunod nito, nanawagan siyang maging responsable ang mga nagkakalat sa social media ng video ng road rage na kinasangkutan niya.

Apektado na raw ang mga anak at kapamilya niya sa matitinding batikos sa kanya ng netizens.

“Sana yung mga vloggers, maging responsible sila. Hindi nila alam ang puno’t dulo, marami kaagad ang magko-comment.

"Hindi naman nila nakita yung tunay na pangyayari, yung umpisa na mula sa ganoong malayo, mahirap ho yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun lang po ang masasabi ko, sana maging responsible po tayo na vloggers,” apela ni Gonzales.

Related Articles:


LAWYER GETS INVOLVED

Para naman sa abogadong si Raymond Fortun, na miyembro ng cycling community, hindi pa tapos ang problema ni Gonzales dahil sa mga hakbang na kanya raw gagawin.

Nagkaroon daw ng komunikasyon si Fortun sa siklista, na hindi niya pinangalanan bilang proteksiyon dito.

Kuwento raw ng biktima, dinala siya ni Gonzales sa police station at, diumano, sapilitang pinapirma ng kasunduan na nagkaayos na sila.

Pinaamin din umano ang siklista na ito ang may pagkakamali at pinagbayad ng PHP500 dahil nagasgasan ng bisikleta nito ang kotse ng retiradong pulis.

Ayon kay Fortun, wala nang planong magsampa ng reklamo ang siklista dahil higit daw nitong pinahahalagahan ang kaligtasan ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natatakot siya na mapatay siya ng mga pulis na magpapanggap na 'riding in tandem' na mga killer,” sabi ng abugado.

Inihayag din ng abugado na may pananakot na nangyari sa taong nag-upload ng road rage video sa social media kaya burado na ang video sa vlogsite nito.

“There can be no criminal case without the cooperation of the victim. But that does not mean that we, the public, are left helpless,” pahayag ni Fortun.

Ibinahagi rin ng abogado ang mga kakbang na kanyang gagawin sa kanyang Facebook post (published as is):

"1. A complaint with the LTO for the suspension/revocation of the driver’s license of Mr. Wilfredo Gonzales for driving in a reckless manner that threatened the life of AB;

"2. A complaint with the Firearms and License Office at Camp Crame, for the revocation of any and all gun licenses issued to Mr. Gonzales AND HIS FAMILY (N.B. I have information that he has relatives who are also police officers), including permits to carry outside of their residence;

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"and 3. If he is still connected with the government in any manner, a complaint for conduct unbecoming of a public official under R.A. 6713. I shall also furnish a copy of the video to the Senate President and the Speaker of the House, for them to decide whether the same can be the basis for a congressional investigation, in aid of legislation, in order that the August 8,2023 incident will not be repeated and that the citizenry would feel safer as they traverse our streets.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


LTO RESPONDS

Kumilos na rin ang Land Transportation Office (LTO) dahil, bukod sa imbestigasyong ginagawa, naglabas ito ng Show Cause Order para kay Gonzales.

“We assure the public of our swift action on this matter. In as much as we want to immediately impose sanctions based on the viral video, we have to observe and respect due process and this includes a fair conduct of investigation,” pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II.

Pinasalamatan ni Mendoza ang netizens na nag-upload at nagbahagi ng video sa social media na naging dahilan daw kaya napabilis ang aksiyon ng kanilang tanggapan.

Hinikayat ni Mendoza ang netizens na i-tag ang LTO sa pamamagitan ng official Facebook page nito ng mga larawan, videos, at ibang impormasyong may kinalaman sa paglabag sa mga batas sa traffic at road safety rules ng mga abusadong motorista.

“Let us help together to make all our roads safe by running after abusive motorists. Nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga abusado sa kalsada kapag walang nagrereklamo, hindi sila nahuhuli at hindi sila napaparusahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila kontra ang pahayag ni Mendoza sa panawagan ni Gonzales na maging responsable ang mga vlogger na nagbahagi sa social media ng video ng pananakit at pagkakasa niya ng baril sa siklista.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa umano tapos ang problema ng retired policeman na si Wilfredo Gonzales (kaliwa) dahil posible siyang sampahan ng mga reklamo kaugnay ng road rage incident na kinasangkutan niya noong August 8, 2023.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results