PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

""Retiradong pulis na-dismiss sa serbisyo""

Wilfredo Gonzales, napag-alamang na-dismiss noon sa serbisyo.
by Jojo Gabinete
Published Aug 29, 2023
wilfredo gonzales dismissed
Dating pulis na si Wilfredo Gonzales, napag-alamang na-dismiss sa serbisyo dahil sa mga patung-patong na reklamo.
PHOTO/S: Facebook

Ang kaligtasan ng kanyang pamilya ang pangunahing dahilan kaya hindi na magsasampa ng kaso ang siklista laban kay retired Quezon City Policeman Wilfredo Gonzales.

Ang hindi pa pinapangalanang siklista ang sinaktan at kinasahan ng baril ni Gonzales sa road rage incident na nangyari sa Welcome Rotonda, Quezon City, noong August 8, 2023.

Nakunan ng video ang nasabing insidente at kumalat sa social media.

Read: Driver na nanakit ng siklista sa road rage incident, lumantad na

Ayon sa siklista, base sa salaysay nito sa abogadong si Atty. Raymond Fortun, dinala siya ni Gonzales sa police station. Sa kasunduang kanilang pinirmahan, pinaamin umano ng retired policeman ang biktima na ito ang may kasalanan at pinagbayad pa ng PHP500 para sa kanyang sasakyan na nasagi raw ng bisikleta.

Ang takot na baka balikan siya o sinuman sa mga miyembro ng kanyang pamilya para gantihan ni Gonzales ang nag-udyok sa siklisita para hindi na magsampa ng reklamo kahit marami ang nagpahayag na tutulungan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Siklistang biktima ng road rage, napilitan lang makipag-areglo?

Lingid sa kaalaman ng siklista, ang nakakatakot na karanasan niya ang magiging instrumento para malantad ang mga nakaraang kaso ni Gonzales, at ang tadhana na ang gumawa ng paraan.

Ang broadcast journalist na si Arnold Clavio ng GMA-7 ang isa sa mga naglabas ng mga dokumentong magpapatunay na naging abusado si Gonzales noong naglilingkod pa ito bilang pulis.

Patung-patong na reklamo ang isinampa noo kay Gonzales pero palaisipan na hindi siya natanggal noon sa serbisyo.

Ang mga nalaman ni Arnold tungkol kay Gonzales ang kanyang ibinahagi sa Instagram post ng GMA News broadcaster ngayong Martes ng umaga, August 29, 2023.

Nakasaad ditong na-dismiss na noon si Gonzales ngunit nakabalik pa rin sa serbisyo.

Bahagi ng Facebook post ni Arnold, "Sa mga nakalap na record, lumalabas din na si Gonzales ay may patung-patong na kaso ng panggigipit ng kapwa.

"Sa di maipaliwanag na dahilan, karamihan sa kaso ay nadi-dismissed o hindi pa naipatutupad."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inisa-isa ni Arnold ang mga kasong kinasasangkutan ni Gonzales.

“Kabilang ang dalawang administrative case:

"1. Case no. RN031015265A (Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City) — PO2 Gonzales was recommended One Hundred Twenty Day’s suspension from police service without pay (Suspension still not implemented).

"2. Case No.06.02 (DIDM, Camp Crame) — PO2 Gonzales was recommended Ninety Day's Preventive Suspension from police service without pay (Suspension still not implemented).

“May dalawang criminal case siya sa Quezon City na parehong ‘on going’ ang trial. May civil case din siya na nakabinbin.

“Maging sa Barangay Quirino 3-A, QC, may limang kaso si Gonzales na may kaugnayan sa kanyang pambu-bully. Sabi nga, suki na si Gonzales sa barangay.

“Noong July 11, 2013, kinuwestyon ng isang Ricardo Huertas na taga-Pasig City, kung paano nakabalik sa serbisyo si Gonzales.

“Aniya, ‘Si PO3 Gonzales ay kinasuhan ng administratibo ng Grave Misconduct, Simple Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasunod nito, siya ay pinarusahan ng pagkatanggal sa serbisyo ng pulisya ng Hepe, Philippine National Police (CPNP) sa isang desisyon na may petsang Hulyo 24, 2006.

“At noon ngang June 7, 2018, nilagdaan mismo ni noon ay PNP Chief Oscar Albayalde ang dismissal order laban kay Gonzales.

“Ang utos ni Albayalde ay pinagtibay ni ARCHIE FRANCISCO F GAMBOA, Police Deputy Director General The Chief of Directorial Staff."

wilfredo gonzales dismissal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Arnold, “Ang tanong, papaano ba itatrato ang mga dating pulis sa serbisyo na natanggal na sa PNP na maghasik pa rin ng karahasan sa kapwa?

“At sa dami ng kanyang kaso, papaano siya nakakapasa sa neuro psychiatric examination at nakakakuha pa ng lisensiya na makapag-ari ng baril ?

“At sa huli niyang kaso kontra sa isang siklista, tila may takot at halos wala nang gustong makialam at magsampa ng kaso?

“Natatapos ba ang lahat sa pagkakasundo ng magkabilang kampo sa kabila na sa publiko nangyari ang karahasan? Paano na ang susunod niyang biktima?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Articles:

MAYOR BELMONTE TO CYCLIST: I WILL PROTECT YOU

Hinihimok naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang siklista na lumantad para mapanagutan ni Gonzales ang karahasang ginawa nito.

Nagbitaw ng pangako si Belmonte na tutulungan at poprotektahan ng kanyang pamahalaan ang siklista at ang pamilya nito.

“We are appealing to the complainant to come forward so that Willie Gonzales, whom I consider a menace to society, is held accountable.

"We want to assure the cyclist that we will extend legal assistance, as well as put him and his family in our protection, so that justice is served.

“I will not allow this case to be whitewashed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay taga-gobyerno. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa ating lungsod,” pahayag ni Belmonte tungkol sa road rage incident na nangyari sa siyudad na kanyang nasasakupan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dating pulis na si Wilfredo Gonzales, napag-alamang na-dismiss sa serbisyo dahil sa mga patung-patong na reklamo.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results