PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Enriquez, binigyang-pugay sa GMA-7 Christmas Station ID 2023

"Feeling Blessed Ngayong Pasko" ang tema ng station ID.
by Jojo Gabinete
Published Nov 5, 2023
Mike Enriquez
Binigyang-pugay ang namayapang broadcaster na si Mike Enriquez (kanan) sa GMA-7 Christmas Station ID 2023 na ini-launch ngayong Linggo ng hapon, November 5, 2023. (Inset, L-R: 24 Oras news anchors Mel Tiangco and Vicky Morales)

Inilunsad ng GMA Network ngayong Linggo ng hapon, Nobyembre 5, 2023, ang “Feeling Blessed Ngayong Pasko,” ang Christmas Station ID ng Kapuso Network para sa 2023.

Halos pitong minuto ang running time ng “Feeling Blessed Ngayong Pasko,” pero kulang ito dahil sa dami ng mga artista ng GMA-7 na napapanood sa iba’t ibang mga programa.

Read:

GMA-7 unveils lyric video of its 2022 Christmas station ID

Bea Alonzo, Marian Rivera, Dingdong Dantes headline GMA Christmas station ID 2021

Binigyang-pugay sa Christmas Station ID ng Kapuso Network ang mga kababayan natin na naging biyaya sa kapwa dahil sa mga tulong na patuloy na ibinibigay nila sa mga nangangailangan tulad ng delivery rider, mga nursing student at jeepney driver na naghahatid ng inspirasyon sa lahat.

Kasama sa mga kinilala sa “Feeling Blessed Ngayong Pasko” si Mike Enriquez, ang award-winning broadcast journalist na pumanaw noong Agosto 29, 2023.

Ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa 24 Oras na sina Mel Tiangco at Vicky Morales ang nagkuwento tungkol sa pagtulong ni Mike sa isang simbahan sa Sta. Ana, Manila noong nabubuhay pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Mel Tiangco speaks about Mike Enriquez's devotion to his wife Baby

Emotional Jessica Soho attends burial of Mike Enriquez; proud that she helped him “get into television"

“Excuse me po,” ang umuubo at natatawa na panggagaya kay Mike na sabi ni Mel tungkol sa pagiging blessing sa ibang mga tao ng namayapang broadcast journalist.

Mel Tiangco
GMA-7 Christmas Station ID 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naku mga Kapuso, alam niyo ba na si Mike Enriquez, hindi lang iyan magaling sa pagbabalita. Napakamatulungin at napakamapagbigay rin ng kaibigan kong iyan, pero secret niya lang iyon," ang pahayag ni Mel.

Dugtong ni Vicky, “Kaya ngayong nasa heaven na siya, puwede na naming i-share sa lahat na isa siya sa pinakamalalaking donor sa National Shrine of the Lady of the Abandoned sa Sta. Ana.

“Feeling blessed talaga kami na makilala at makasama ang isang Mike Enriquez.”

Screen grab from GMA-7 Christmas Station ID 2023

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil nga sa dami ng mga Kapuso star, split-second lamang ang exposure ng karamihan sa kanila sa “Feeling Blessed Ngayong Pasko” Christmas Station ID ng GMA-7 pero inaasahang magkakaroon ito ng iba’t ibang bersyon tulad ng nangyari noong 2022.

GMA-7 Christmas Station ID 2023

May mga Kapuso star na wala sa Christmas Station ID tulad ni Ai-Ai delas Alas na U.S.-based at Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee dahil kinunan ang mga eksena para sa Christmas Station ID noong Oktubre 2023, ang panahon na abalang-abala siya sa paghahanda para sa pagsali niya sa 72nd Miss Universe.

Isang malaking biyaya naman ang GMA Network sa mga baguhang Kapuso star na may sapat na dahilan para maging maligaya at magpasalamat dahil sa importansiya na ibinigay ng home studio nila, ang isali at bigyan sila ng partisipasyon sa Christmas Station ID 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binigyang-pugay ang namayapang broadcaster na si Mike Enriquez (kanan) sa GMA-7 Christmas Station ID 2023 na ini-launch ngayong Linggo ng hapon, November 5, 2023. (Inset, L-R: 24 Oras news anchors Mel Tiangco and Vicky Morales)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results