Tiniyak ni Paolo Contis na sila pa rin ni Yen Santos ang magkarelasyon.
Nilalagyan lamang daw ng malisya ng iba ang video nila ni Arra San Agustin na galing sa isang eksena sa Eat Bulaga! na pinagmulan ng mga haka-hakang may namamagitan sa kanilang dalawa.
Read: Paolo Contis, ipinagkibit-balikat ang pagli-link sa kanila ni Arra San Agustin
Ginawa ni Paolo ang paglilinaw sa live guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 nitong Miyerkules ng hapon, Nobyembre 22, 2023.
Para matapos na ang isyu na nag-uugnay sa kanila ni Arra, pinili ni Paolo na magsalita sa "Talk or Dare" segment ng afternoon showbiz talk show ni Boy Abunda.
"Talk or dare, kayo na ba ni Arra San Agustin, kayo pa ba ni Yen?" diretsahang tanong ni Boy kay Paolo.
“Yes, kami pa ni Yen," sagot ng Kapuso actor-TV host.
"And alam mo yung kumakalat sa amin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga! and it was maliciously edited.
“It’s parang skit love triangle ni Arra, ako at saka si Ken played by Betong [Sumaya]. And they just keep on posting the…“
Masasabing "going strong" ang relasyon nina Paolo at Yen, na kasama noon ng aktor "as a friend" nang magbakasyon sila sa Baguio City.
Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio
Bago ipinasagot kay Paolo ang mga katanungan tungkol kina Arra at Yen, inusisa muna ni Boy kung “good parent” ba siya?
Nagpakatotoo si Paolo dahil inamin nitong hindi siya “okay” sa kasalukuyan.
“Now, I guess, I am not okay. But before, I could say na I was a very good father. And given the opportunity eventually, I will be a better father," sabi ni Paolo.
Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."
Kasama si Chariz Solomon, bumisita si Paolo sa Fast Talk with Boy Abunda para ipaalaala sa lahat ang 28th anniversary presentation ng Bubble Gang na napapanood sa GMA-7 tuwing Linggo ng gabi.
Binanggit din ni Paolo na ipalalabas sa mga sinehan sa Disyembre 6, 2028 ang Ikaw at Ako, ang love story drama movie na tinatampukan nila nina Rhian Ramos, Ronaldo Valdez, at Boots Anson-Rodrigo.