PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn & Daniel magsama sa ABS-CBN event

Kathryn Bernardo-Alden Richards loveteam, isinusulong ng fans.
by Jojo Gabinete
Published Dec 4, 2023
kathniel abs-cbn ball
Bagamat kinumpirma nilang break na sila, pumayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nna magsama sa isang malaking okasyon ng ABS-CBN, at ito ang dapat abangan ng KathNiel fans.
PHOTO/S: Mark Atienza

Ipinagluksa ng KathNiel fans ang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil hindi nila matanggap na hahantong sa wala ang labing-isang taong relasyon ng kanilang mga iniidolong artista.

Kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 30, 2023.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Pero tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ng KathNiel love team na pumayag sina Kathryn at Daniel na magsama sa isang malaking okasyon ng ABS-CBN, at ito ang kanilang dapat abangan.

Ang pagpayag nina Kathryn at Daniel na magkasama sa isang proyekto ng ABS-CBN ang resulta ng kanilang maayos na paghihiwalay at patunay ng pagpapahalaga nila sa pagiging propesyunal sa trabaho.

Tumanggap si Kathryn ng mga papuri dahil sa kanyang ipinamalas na karunungan at matalinong mensahe para sa publiko nang maglabas siya ng opisyal na pahayag tungkol sa mutual decision nila ni Daniel na wakasan ang mahigit sa isang dekadang pagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nababanggit naman ang pangalan ni Alden Richards ilang araw matapos makumpirmang tapos na ang relasyon nina Kathryn at Daniel.

May mga tagahanga sina Alden at Kathryn na isinusulong ang kanilang love team dahil malaya na ang dalaga samantalang single pa rin ang aktor.

Tinangkilik ng manonood ang Hello, Love Goodbye, ang pelikula noong 2019 na pinagbidahan nina Kathryn at Alden.

Read: Is Hello, Love, Goodbye now the highest grossing Filipino movie of all time?

Napansin ang chemistry ng dalawa sa kanilang unang pagtatambal sa pelikula na phenomenal hit kaya may mga umaasang magkaroon sila ng relasyon sa tunay na buhay dahil hiwalay na si Kathryn kay Daniel.

Samantala, namataan si Daniel sa bayan ng kanyang ina na si Karla Estrada noong Linggo, Disyembre 3, 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat kinumpirma nilang break na sila, pumayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nna magsama sa isang malaking okasyon ng ABS-CBN, at ito ang dapat abangan ng KathNiel fans.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results