"Refreshing" ang pagsasalarawan ni Kim Molina sa kauna-unahang pagsasama nila ni Empoy Marquez sa isang pelikula, ang My ZomBabe, na magbubukas sa mga sinehan sa Enero 8, 2024.
Matagal nang kaibigan si Empoy ng boyfriend ni Kim na si Jerald Napoles kaya komportable ang aktres habang ginagawa nila ang My ZomBabe.
"It’s refreshing of course coz it’s a different partner for me onscreen, pero sina Jerald at Empoy, friends talaga sila.
"So, in a way, parang kasama ko pa rin si Jerald sa mga eksena ko.
"Iba lang yung Empoy, iba yung nagagawa ni Empoy, iba yung naibibigay niya.
"It’s refreshing that it’s a different person, but, at the same time, in a way they’re the same but they’re not."
Nasubaybayan daw ni Kim ang pag-angat ni Empoy sa leading-man status nito.
Sa pagpapatuloy niya, "So, it’s very exciting for me nung malaman ko na makakasama ko po si Empoy because I’m a fan.
"Seryoso ako, as in nang mapanood ko yung Kita Kita, meron akong, ‘Halaaa, finally, meron na siyang movie at leading man na siya.’
"Then dire-diretso na yung Empoy na siya. I was very happy for him,” ang lahad ni Kim tungkol sa komedyante.
Read: Marian Rivera dazzles at the MMFF 2023 Gabi ng Parangal; wears identical gown worn by Taylor Swift
Hindi lamang si Kim ang masaya sa pagsasama nila ni Empoy sa pelikula dahil excited din si Jerald, na tagahanga rin ng kapwa nito komedyante.
Wala itong agam-agam at all sa tambalang Kim-Empoy.
Ang kuwento ni Kim, "Excited po siya. Sobrang excited po si Je kasi nga fan po kami ni Empoy sa mga ginagawa nito. He gives something different to the table.
"Nung nalaman ni Je na partner ko si Empoy, meron siyang, ‘Yes! Finally!’
"He also wants a movie with Empoy, pero nauna ako.
"Habang sinu-shoot po namin ang My ZomBabe, nagte-taping din po kami ng Team A, yung sitcom namin ni Je sa TV5.
"Kapag umuuwi po ako, imbes na, ‘O kumusta ka? I miss you, galing ka ng Batangas,’ pag-uwi ko, ‘Kumusta si Empoy?" ang tanong ni Je.
"Si Empoy ang itinatanong niya, 'Kumusta ba yung mga eksena, okay ba?'
"He’s very excited. He’s very supportive,” ani Kim na nagpasalamat sa home studio nila ni Jerald dahil binigyan sila ng sariling mga proyekto.
Ang boyfriend niya ang lead star ng Instant Daddy, at siya ang pangunahing bidang babae ng My ZomBabe.
"Kumbaga binigyan kami ng pagkakataon ng aming Viva family na i-introduce uli yung individuality namin ni Je as separate artists,” ang paliwanag at pasasalamat ni Kim tungkol sa pansamantalang paghihiwalay nila ni Jerald bilang love team sa pelikula.