May paliwanag si Laurice Guillen tungkol sa kanyang pagbanggit sa pangalan ni Jasmine Curtis Smith nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa artista ng Asawa Ng Asawa Ko na may pinakamaraming takes at madalas niyang napapagalitan sa set.
Read: Laurice Guillen recalls reprimanding newbie for arriving on the set in pajama with pillow
Si Laurice, kasama si Gina Alajar, ang guest sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes ng hapon, Enero 4, 2024.
Si Laurice ang direktor ng Asawa Ng Asawa Ko, na pinangungunahan nina Jasmine, Rayver Cruz, at Liezel Lopez. Kasama rin sa cast si Gina.
Tanong ni Boy, "Sa Asawa Ng Asawa Ko, sino ang may pinakamaraming takes?"
Sagot ni Laurice, “Si Jasmine Curtis.”
Sino ang madalas mong mapagalitan?
“Si Jasmine din.”
Sino ang pinakamahusay?
“Sa roles nila, si Liezel Lopez,” reaksiyon ni Laurice.
Aminado rin ang actress-director na “over the top” ang pagiging istrikto niya bilang direktor.
Pero may depensa si Laurice sa pagsasabi niya sa pangalan ni Jasmine sa mga tanong ni Boy. Mahirap daw ang karakter na ginagampanan ng aktres sa Asawa Ng Asawa Ko.
Aniya, “Si Jasmine, madaming takes, madami akong yung sabi mo na pinapagalitan.
“Actually, it’s more of keeping her on track because she’s playing a role that’s been through a really extraordinary experiences, suffering.
"So I have to keep her always that… at this point of the… dito ka. Less of the Jasmine and more of the character."
Pinuri naman ng direktor si Liezel dahil aniya, “Intuitively, alam niya kaagad kung anong kailangan.”
Ang Asawa ng Asawa Ko ang itinuturing ni Liezel na pinakamalaking break niya sa telebisyon dahil siya ang third party sa relasyon ng mga karakter na ginagampanan nina Jasmine at Rayver.
Si Liezel ang pinili ni Laurice para sa role ni Shaira dahil bumilib siya sa pag-arteng ipinamalas ng StarStruck 2016 alumna sa Zoom audition na kanyang ipinatawag.
“Hindi lang po dasal as in pinaghirapan ko po talaga ito kasi nag-audition po ako kay Direk Laurice that time. Sa Zoom po kami nag-meeting,” kuwento ni Liezel tungkol sa Asawa ng Asawa Ko auditions na sinalihan niya noon.
Si Liezel ang nagpaliwanag sa Cabinet Files na drama at hindi fantasy series ang Asawa ng Asawa Ko.
Pero Buwaya, Pusit, Alakdan, Bakulaw, Kuwago, at Sawa ang pangalan ng ibang mga karakter dahil yon ang mga alias ng kanyang mga co-star na gumanap na mga rebelde.
Mapapanood ang Asawa Ng Asawa Ko sa GMA Prime sumula sa January 15.