Ang 6.3% rating ng Fast Talk with Boy Abunda kahapon, Pebrero 14, 2024, ang patunay na tinutukan ng maraming Pilipino ang live interview via Zoom ni Boy Abunda kay Kris Aquino.
Read: Kris Aquino vows to fight despite slim chance of recovery: "I refuse to die."
Ito ang unang pagkakataong muling napanood sa telebisyon si Kris mula nang lumipad siya sa Amerika noong 2022 para magpagamot dahil sa kanyang patung-patong na karamdaman.
Read: Kris Aquino starts taking anticancer drug; reveals she now has five autoimmune conditions
Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-overtime ang showbiz-oriented talk show ni Boy.
Twenty minutes lamang ang running time ng Fast Talk With Boy Abunda, pero tumagal ito ng 28 minuto dahil sa mahabang pag-uusap nila ni Kris tungkol sa sitwasyon ng kalusugan ng TV host-actress.
Sa interview ay sinabi ni Kris na gusto niyang mabuhay pa nang matagal alang-alang sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby kaya muli siyang humihingi ng dasal mula sa sambayanang Pilipino.
Ipinagdiriwang ni Kris ang kanyang kapanganakan tuwing Araw ng mga Puso.
Sa ika-53 kaarawan niya, nalaman ng publiko ang pagkakaroon ng karamdaman ni Kris sa puso na puwedeng kumitil sa kanyang buhay anumang oras.
Read: Kris Aquino pens thank-you messages on what could be her "last birthday"
Sa dulong bahagi ng panayam sa kanya ni Boy, nabanggit ni Kris na kabilang ang inaanak niya sa kasal na si "Dingdong Avanzado" sa dumalaw sa kanya noong unang linggo ng Pebrero 2024 at nagkaroon sila ng matagal na pag-uusap.
Nalito si Kris dahil ang talagang tinutukoy niya ay ang aktor na si Dingdong Dantes, hindi ang singer na si Dingdong Avanzado.
Read: Kris Aquino thanks her inaanak Dingdong Dantes for the support
Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes ng hapon, Pebrero 15, itinuwid ni Boy ang pagkakamali ni Kris.

Pahayag ni Boy, "Kahapon po, I had an interview with Kris Aquino. Maraming salamat Krissy for that opportunity at on behalf of Fast Talk, maraming-maraming salamat.
“Pero dun po sa aming pag-uusap ay nasabi ni Kris na she had a conversation with her inaanak, Dingdong Avanzado.
"Pasensiya na, Dong, Kris was actually referring to Dingdong Dantes.
"So I wanted to make this correction. Maraming-maraming salamat po."
Humingi rin ng paumanhin si Kris kay Dingdong sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.
Paliwanag niya, "My BP was going haywire before i went live, that’s why i said Avanzado instead of DANTES????- i’m sorry @dongdantes."
View this post on Instagram
Read: Kris Aquino pens thank-you messages on what could be her "last birthday"
Tahimik na binisita ni Dingdong at ng mga kasama nito si Kris sa tahanan na tinutuluyan ng TV host-actress sa Orange County, California, noong nakaraang buwan.
Lumipad si Dingdong sa Amerika dahil dumalo siya sa Manila International Film Festival (MIFF) na ginanap sa Los Angeles, mula Enero 29 hanggang Pebrero 1, 2024.
Read: MIFF Awards Night: Dingdong Dantes, Piolo Pascual tie for Best Actor; Vilma Santos wins Best Actress
Sinamantala niya ang pagkakataon para dalawin si Kris ng walang anumang publicity o social media post dahil sa kanyang malaking pagpapahalaga at mataas na respeto sa pribadong pamumuhay ng ninang nila sa kasal ng asawang si Marian Rivera.