Ang Ligaya ang Itawag Mo sa Akin ang isa sa mga blockbuster movie ng Reyna Films, ang movie company na pag-aari ng pumanaw na film producer na si Armida Siguion-Reyna.
Si Rosanna Roces ang bidang babae sa Ligaya ang Itawag Mo sa Akin at co-star niya ang namayapang aktres na si Isabel Granada.
Pinilahan sa takilya ang pelikula nang ipalabas ito sa mga sinehan noong Enero 29, 1997.
Naging instrumento rin ito para kilalanin si Rosanna bilang magaling at serious actress kaya nabura ang kanyang imaheng "TF (Titillating Films) Queen."
Si Bibeth Orteza ang sumulat ng kuwento ng Ligaya ang Itawag Mo sa Akin at mula ito sa direksiyon ng kanyang asawang si Carlos Siguion-Reyna.

Ang National Artist for Music na si Ryan Cayabyab naman ang lumikha ng theme song ng pelikula na ipinaawit niya kay Rosanna.
Maituturing na isa ito sa pinakamahusay na komposisyon ni Mr. C, kahit may hatid na kalungkutan ang lyrics at melody.
Ang theme song ng Ligaya ang Itawag Mo sa Akin ang nagwaging Movie Theme Song of the Year sa 14th Star Awards for Movies noong 1998.
Iilan na lamang ang nakakaalaala na bago ginawang pelikula ang Ligaya ang Itawag Mo sa Akin, nagkaroon muna ito ng telesine version noong 1994 na ipinalabas sa GMA-7.
Pinagbidahan ito nina Jaclyn Jose at Bunny Paras.
Si Jaclyn ang gumanap na Ligaya, samantalang si Bunny ang unang nagbigay-buhay sa karakter ni Estela, na ginampanan ni Isabel sa pelikula.
Matagal nang naninirahan si Bunny sa Amerika at nagkataong nagbabakasyon siya sa Pilipinas nang sumakabilang-buhay si Jaclyn noong Marso 2, 2024.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
Ikinuwento ni Bunny sa Cabinet Files na tulad ng movie version ng Ligaya ang Itawag Mo sa Akin, kinunan din sa Pagudpud, Ilocos Norte, ang mga eksena ng telesineng pinagsamahan nila ni Jaclyn.
Nakakalaro pa raw niya ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann, na paslit pa lamang noon.
“Matagal kami sa Pagudpud noon. Maliit na bata pa si Andi. I would play with her and we were always together sa beach.
"Laro lang kami nang laro habang kinukunan ang mga eksena ni Tita Jaclyn. Andi was four years old then.
“Si Tita would guide me din sa acting kasi ang ganda ng script ng Ligaya,” saad ni Bunny.
Hindi raw nawalan ng komunikasyon si Bunny kay Jaclyn dahil kahit nanirahan siya nang permanente sa California, USA, nagkukumustahan sila sa pamamagitan ng social media.
Huling nagkita nang personal ang dalawa nang pinuntahan ni Bunny si Jaclyn nang mag-shooting ang batikang aktres ng Labyu With An Accent sa California, noong Oktubre 2022.
Sabi ni Bunny, “Tita didn’t forget about me kasi even when Andi was growing up, we kept in touch.
"I was just blessed I got to work with her, how I wish I had pictures."
Nalulungkot man, natuwa si Bunny nang makita niya si Andi nang bumisita sila ng kanyang kapatid na si Sharmaine Arnaiz sa burol ng mga labi ni Jaclyn sa Arlington Memorial Chapels, Quezon City, noong Martes ng gabi, Marso 5, 2024.
“When Andi and I saw each other here, parang nasabik ako to hug her.
"Nakakatuwa yung video and picture namin together. Nagkuwentuhan kami.
"Natatandaan pa niya ang paglalaro namin noon sa beach ng Pagudpud," kuwento ni Bunny sa Cabinet Files.
View this post on Instagram
Related Stories:
- Jaclyn Jose: A life lived like in the movies
- Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack
- Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, more celebs mourn death of Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann, nilinaw ang isyu sa edad at petsa ng kamatayan ni Jaclyn Jose
- Stella Suarez Jr. nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigan at kasabayang si Jaclyn Jose
- Jaclyn Jose’s close friend posts last conversation with late actress: “I waited at the Cinema but you never came.”
- Alden Richards, Vilma Santos, Iza Calzado, Charo Santos pay tribute to Jaclyn Jose
- Claudine Barretto "in unbearable pain" over Mula Sa Puso co-star Jaclyn Jose's death
- Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasama sa pagdating ng labi ni Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”
- Nora Aunor, Lorna Tolentino, Gladys Reyes nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Katrina Halili posts convo with Jaclyn Jose comforting her after boyfriend's death
- Claudine Barretto breaks down at Jaclyn Jose's wake
- Gina Alajar, Vina Morales, Jean Garcia, more celebs pay homage to showbiz icon Jaclyn Jose
- Jake Ejercito pays homage to late Jaclyn Jose: "I surely wouldn't have survived those years of fatherhood without your guidance."
- Black Rider star Gladys Reyes "invades" Batang Quiapo night at Jaclyn Jose's wake
- Vice Ganda fondly recalls working with late Jaclyn Jose in two projects
- Coco Martin reveals he noticed Jaclyn Jose's sadness days before her passing