“I love you, Ma! And we love our moms, right?”
Ito ang reaksiyon ni Matteo Guidicelli matapos sabihin ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo ang katagang “I love you, Ma.”
Read: Sarah Geronimo, may shoutout kay Mommy Divine sa Billboard Women in Music Awards 2024
Si Divine Geronimo ang “Ma” na tinutukoy nina Matteo at Sarah sa panayam sa kanila ni Dyan Castillejo na napanood sa TV Patrol ngayong Lunes ng gabi, Marso 25, 2024.
Isiniwalat ni Sarah na nag-uusap na uli sila ng kanyang ina, ilang taon matapos mahigpit na tinutulan ni Mommy Divine ang pagpapakasal ng anak at ni Matteo noong Pebrero 20, 2020 sa Taguig City.
Naging isang malaking kontrobersiya iyon na pinagpistahan bago lumaganap sa Pilipinas ang coronavirus pandemic at idineklara ang lockdown o Enhanced Community Quarantine noong Marso 15, 2020.
Read: Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli are now married; Matteo allegedly punched Sarah's bodyguard
Read: Witness: Mommy Divine wanted to slap Matteo Guidicelli; Sarah Geronimo intervened
“Yes! Yes! Thank you, Lord. I love you, Ma,” sagot ni Sarah kay Dyan nang batiin nito ang muling pagkakasundo at pag-uusap ng mag-ina.
Ikinuwento rin ni Sarah ang pagpapadala sa kanya ni Divine ng mga gulay at prutas.
“Ang mama ko po, nagse-sell ng ano niya, produce niya. Mga gulay, fruits.
“Binigyan ako ni Mama, red rice, ganyan!” napahalakhak na sabi ni Sarah.
Hiindi maipagkakailang maligayang-maligaya si Sarah dahil maayos na uli ang relasyon niya sa kanyang ina.
Nakausap ng TV Patrol sina Matteo at Sarah sa Green Market, ang plant-based market na dalawang araw (Marso 23-24) na idinaos sa G Studios, Alabang, Muntinlupa City.
Tulad ng mga produktong ibinebenta sa Green Market, organic produce ang ipinagbibili ni Divine sa Geronimo’s, ang tindahan niya sa Mindanao Avenue, Quezon City.
Iniulat ng Cabinet Files noong Marso 11, 2020 ang pagtitinda ni Divine ng mga prutas at organic vegetables gaya ng labanos, kalabasa, at kamote kaya napapadalhan niya ngayon sina Sarah at Matteo ng mga ani mula sa kanilang farm.
Read: Kumusta si Mommy Divine ilang linggo pagkatapos ng Sarah-Matteo secret wedding?
Isang magandang balita para sa mga tagasuporta nina Sarah at Matteo na kasundo na nila si Divine.
Maituturing itong regalo para kay Matteo na magdiriwang ng ika-34 kaarawan sa Martes, Marso 26, 2024.