PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayani Agbayani Calls Andres, Atasha Superstars

Bayani Agbayani, balik-sitcom.
by Jojo Gabinete
Published Apr 10, 2024
bayani agbayani muhlach family
Bayani Agbayani (left) co-stars with the Muhlach family (Aga, Charlene, Atasha, and Andres) in the upcoming TV5 sitcom Da Pers Family.
PHOTO/S: Screen grab from News5

Naniniwala si Bayani Agbayani na "future superstars" ng Philippine entertainment industry sina Andres at Atasha Muhlach, ang kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Nasubaybayan ni Bayani ang paglaki nina Andres at Atasha dahil sa matagal na panahong pagkakaibigan nila ni Aga.

Hindi akalain ni Bayani na darating ang araw na makakasama at makakatrabaho niya ang kambal sa Da Pers Family, ang sitcom ng TV5 na pinagbibidahan ng pamilya Muhlach.

Read: Andres at Atasha Muhlach, kumusta ang first taping day ng sitcom?

“Sina Atasha at Andres, sabi ko nga sa mga kakuwentuhan ko, parang mga Hollywood actor ang hitsura na ipinanganak sa Philippine showbiz at may parents na parehong mababait kaya napaka-down-to-earth din ng mga bata.

"Mga future superstar sila," pahayag ni Bayani nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules, Abril 10, 2024.

Kuwento pa ng komedyante, “Ang sarap ng pakiramdam na kasama ko sila sa Da Pers Family dahil ang pamilya ni Aga, itinuturing ko ring pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maliliit pa sina Andres, Atasha, at ang mga anak ko, nagkikita at naglalaro sila kapag nagbabakasyon kami sa Mataas na Kahoy, ang bahay-bakasyunan nila sa Batangas.

“At ngayon nga, tapos na sila ng kolehiyo at mga artista na, kasama ko naman sila sa Da Pers Family bilang mga pamangkin ko.

“First project nila na magkakasama ang Da Pers Family. At least, pamilya ko naman sila sa sitcom namin.”

Read: Andres Muhlach pumasok na rin sa showbiz; Muhlach family bibida sa TV5 sitcom

Tuwang-tuwa rin dahil muli silang magkasama ni Roderick Paulate sa isang TV show.

“Sobrang saya ko nang makita ko si Kuya Dick [Roderick]. Nagkuwentuhan agad kami at nagtawanan nang umaatikabo.

“Para sa akin, ang mga katulad ni Kuya Dick ang aktor na panghabampanahon na dapat i-treasure kapag nakasama mo sa isang proyekto.

“Blessing talaga ang Da Pers Family. God is good all the time!

“Lahat ng mga nangyayari sa akin, never ko pinlano. Si Lord ang may kagagawan nang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ever since, hindi ako nawalan ng work, kahit nang magkaroon ng pandemya o kahit ano pa ang dumating na problema.

"Palaging may magagandang plano si Lord para sa akin, at isa na nga ang sitcom namin ng Muhlach family," saad ni Bayani.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani (left) co-stars with the Muhlach family (Aga, Charlene, Atasha, and Andres) in the upcoming TV5 sitcom Da Pers Family.
PHOTO/S: Screen grab from News5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results