PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 bit player, muntik mabiktima ng pekeng "Joel Lamangan"

Aspring actor JP Aspa, kinontak ng isang "Joel Lamangan" para mag-audition.
by Jojo Gabinete
Published Apr 19, 2024
jp aspa fake joel lamangan account
Aspiring actor JP Aspa (in baseball cap) shows screenshots of his conversation with a person who claimed to be director "Joel Lamangan," who told him to audition for a role in an upcoming movie. The catch is he needs to pay PHP2,000 for casting workshop.
PHOTO/S: Courtesy of JP Aspa

Patuloy na ginagamit ng isang manloloko ang pangalan ng award-winning director na si Joel Lamangan sa pambibiktima ng mga kabataang nangangarap pumasok sa showbiz.

Ang aspiring actor at GMA-7 bitplayer na si John Paul Christian “JP” Aspa ang isa sa mga muntik nang malinlang ng nagpapanggap na "Joel Lamangan."

Nagpadala ng mensahe ang isang "Joel Lamangan" sa Instagram account ni JP at inalok siya sa diumano’y acting workshop at audition para sa mga nangangarap mag-artista.

Isasama raw siya sa bagong pelikula ng direktor na may pamagat na “Roomate.”

Read: Direk Joel Lamangan, dumami ang acting offers dahil sa 'Batang Quiapo'

fake joel lamangan account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakita ng interes si JP na makasali sa acting workshop dahil sinabi ng nagpapanggap na "Joel Lamangan" na mabibigyan siya ng supporting role sa “Roomate.”

"Anak" pa nga ang tawag sa kanya ng nagpapanggap na direktor.

Read: Female scammer busted by QCPD despite undergoing cosmetic surgery and assuming a different identity

fake joel lamangan account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

fake joel lamangan account

Sa kabila ng pagkasabik na nararamdaman dahil isang premyadong direktor ang unang nagpadala sa kanya ng mensahe, nagduda si JP nang sabihin ng impostor ni Direk Joel na kailangan niyang magbayad ng PHP2,000 para sa acting workshop na magaganap sa City Garden Grand Hotel, Kalayaan Avenue, Makati City, sa May 14, 2024.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

fake joel lamangan account

fake joel lamangan account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para makatiyak na ang totoong Joel Lamangan ang kausap niya, nakipag-ugnayan si JP sa Cabinet Files at hiningi ang contact number ng award-winning director.

Nang tawagan ni JP si Direk Joel, nakumpirma niyang scammer ang kausap niya sa Instagram direct messenger.

Read: David Bunevacz issues statement after guilty verdict: "My life is now rightfully over and there is no one to blame but myself."

Apparently, nakarating na kay Direk Joel na may gumagamit sa pangalan niya sa panlilinlang ng kapwa at kumita ng pera sa mabilis na paraan.

Pinayuhan ng beteranong direktor si JP na ireklamo ang scammer na "Joel Lamangan" ang Instagram handle at may username na "direk_joel_ lamangan."

fake joel lamangan account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni JP sa panayam ng Cabinet Files na galit na galit si Direk Joel sa hindi kilalang tao na nagpapanggap na siya para makapanloko ng mga inosenteng kabataang nag-aambisyong makapasok sa showbiz.

Hiningi namin ang permiso ni JP para mailabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang mga screenshot ng palitan nila ng mensahe ng impostor ni Direk Joel bilang mga ebidensiya.

At para mabigyan ng babala ang mga aspiring actor na madaling maniwala sa matatamis na pangako ng taong hindi nila nakikita nang personal at ginagamit ang social media sa masamang paraan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aspiring actor JP Aspa (in baseball cap) shows screenshots of his conversation with a person who claimed to be director "Joel Lamangan," who told him to audition for a role in an upcoming movie. The catch is he needs to pay PHP2,000 for casting workshop.
PHOTO/S: Courtesy of JP Aspa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results