PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AshMatt pray for Pinoys after Dubai flood

Tatlong Pinoy, nasawi dahil sa matinding ulan at baha sa Dubai.
by Jojo Gabinete
Published Apr 19, 2024
matteo guidicelli sarah geronimo g studio
Celebrity couple Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo express their concern for the Filipinos in Dubai affected by the massive flood that hit the city this week.
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Sa pamamagitan ng mga post nila sa X (dating Twitter), ipinarating ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang mga panalangin at pakikisimpatiya sa lahat ng mga naninirahan, lalo na sa Filipino community, sa Dubai, United Arab Emirates.

Sinalanta ng napakalakas na ulan ang Dubai na nagdulot ng malawakang baha noong Martes, Abril 16, 2024.

Katumbas ng isang taong ulan ang pagsasalarawan sa malakas na buhos ng ulan —na huling naranasan sa Dubai noong 1949 — na dulot ng pagbabago ng klima ng panahon at isinisisi na kagagawan pa rin ng mga tao.

Naganap ang pambihirang pangyayari, isang araw matapos bumalik sa Pilipinas sina Matteo at Sarah mula sa concert ng singer-actress at ni Bamboo na idinaos sa Coca-Cola Arena noong Linggo, Abril 14, 2024.

Read: Sarah Geronimo, nagsalita ng Tagalog sa kanyang Billboard Women In Music Awards acceptance speech

Mensahe ni Sarah, “Praying for everyone’s safety in Dubai…ingat po sa ating mga kababayan doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sarah geronimo tweet about dubai flood

Pahayag naman ni Matteo, “Thinking about all our kababayans in Dubai.Praying that everyone is safe.”

matteo guidicelli post about dubai flood

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpasalamat ang mga OFW sa Dubai dahil sa pagmamalasakit na ipinaramdam sa kanila ng mag-asawa.

Ipinakita ng mga OFW ang kanilang kabutihan dahil kahit walang tubig at kuryente ngayon sa Dubai, sila pa ang nagpasalamat dahil nakabalik sa Pilipinas ang mag-asawa bago naganap ang malakas na pagbuhos ng ulan at pagbaha.

Read: Matteo Guidicelli, ibinahagi ang simpleng buhay mag-asawa nila ni Sarah Geronimo

Dubai flood

Ikinagulat ng mga naninirahan sa Dubai ang hindi nila inaasahang delubyo dahil hapon nang bumuhos ang ulan pero nagmistulang hatinggabi ang paligid.

Malalim ang tubig baha sa mga kalsada at lumutang ang mga sasakyan, tulad ng mamahaling sasakyan na Rolls-Royce na inabandona ng mga may-ari para iligtas nila ang mga sariling buhay.

Sa kasamaang-palad, tatlong Pilipino (dalawang babae at isang lalake) ang namatay dahil sa pagbaha.

Dalawang OFW ang pumanaw bunga ng suffocation o kahirapan sa paghinga habang nasa loob sila ng sasakyan, at isang OFW na vehicular accident ang ikinamatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng GMA News, nakipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers sa mga kamag-anak sa Pilipinas ng mga sawimpalad na OFW at nangako sila ng kumpletong suporta.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couple Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo express their concern for the Filipinos in Dubai affected by the massive flood that hit the city this week.
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results