PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rose Van Ginkel to stop doing Vivamax movies?

Rose Van Ginkel, sunud-sunod ang wholesome projects.
by Jojo Gabinete
Published Apr 22, 2024
rose van ginkel black swimsuit
Rose Van Ginkel on doing sexy projcts for Vivamx: "Actually, hindi ko naman siya kinu-close pero gusto ko kasi mag-explore. Parang sa iba naman, especially the genre. Hindi ko siya totally kinu-close kasi part pa rin yon ng acting and ang dami ko rin natutunan habang nandoon ako [sa Vivamax].
PHOTO/S: @babyginkel on Instagram

Apektado na ang kanyang mental health ng paghuhubad niya sa mga pelikula ng Vivamax ang dahilang sinabi ni Rose Van Ginkel sa Cabinet Files noong Nobyembre 2023 kaya nagdesisyon siyang talikuran ang pagtanggap ng mga sexy project.

Idinagdag ni Rose na mahirap nang kalaban ang mga baguhang sexy stars ng Vivamax na “nag-e-enjoy” sa paghuhubad kaya hiniling niya sa kanyang home studio na bigyan siya ng mga wholesome project.

Read: Rose Van Ginkel gusto nang talikuran ang sexy movies

Hindi nabigo si Rose dahil pinagbigyan ang kahilingan niya, at ito ang kanyang ibinahagi sa media conference ng SemBreak na naganap sa Viva Café, Cubao, Quezon City, ngayong Lunes ng hapon, Abril 22, 2024.

Ang SemBreak ay six-part horror-romantic series na pinangungunahan ng love team nina Jerome Ponce at Krissha Viaje na mapapanood sa Viva One streaming platform simula sa May 10.

Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko na nga ba, matatanong ako,” nakangiting reaksiyon ni Rose nang ipakilala siya bilang cast member at tanungin tungkol sa kanyang ginagampanang ginagampanan.

FROM SEXY TO WHOLESOME

Malayung-malayo kasi ito sa mga katauhang binigyang-buhay niya sa mga pelikula ng Vivamax

Lahad niya, “I think, one year and a half yung last project ko with Vivamax.

"Actually, hindi ko naman siya kinu-close pero gusto ko kasi mag-explore. Parang sa iba naman, especially the genre.

"Hindi ko siya totally kinu-close kasi part pa rin yon ng acting and ang dami ko rin natutunan habang nandoon ako [sa Vivamax].

"Kasi they allow us to explore yung characters na ibinibigay sa akin kaya sobrang malaking bagay talaga ‘yung panahon na naghubad ako."

Read: Rose Van Ginkel handang tumodo ng hubad sa pelikula... kung kailangan talaga

NEW CAREER PATH

Naghatid daw ng kakaibang kasiyahan kay Rose bilang aktres ang pagbabago ng career path niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “But of course, sobrang saya ko dahil this year, pinayagan ako ng Viva na gumawa ng projects outside Vivamax, which is nasobrahan naman.

“I think in two months, nakatatlong project ako, which is Lumuhod Ka sa Lupa, Sem Break, at Men Are From QC, Women Are From Alabang.

“Sobrang thankful ako pero hindi ko naman sinasabi na hindi na [magpapaseksi], I’m sure siguro right projects lang ang inaantay ko.”

Si Rose ang inspirasyon ng dating child actress na si Ataska Mercado sa pasya nitong magpaseksi sa pelikula matapos mapanood ang Kitty K7, ang Vivamax project ni Rose noong 2022 na pinuri ng mga movie critic at nagkaroon ng mga nominasyon mula sa iba’t ibang award giving bodies.

Read: Ataska, nag-transition from child actress to Vivamax star

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rose Van Ginkel on doing sexy projcts for Vivamx: "Actually, hindi ko naman siya kinu-close pero gusto ko kasi mag-explore. Parang sa iba naman, especially the genre. Hindi ko siya totally kinu-close kasi part pa rin yon ng acting and ang dami ko rin natutunan habang nandoon ako [sa Vivamax].
PHOTO/S: @babyginkel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results