Alam ba ninyong "Carrots Alvarez" ang dating screen name ng aktres na si Glydel Mercado?
Ang dating manager niyang si Annabelle Rama ang nagbigay sa kanya noon ng kakaibang pangalan.
Read: Grand slam actress Glydel Mercado dreams of portraying a person with schizophrenia
“Mga one year ko ginamit ang screen name na Carrots Alvarez.
"Si Tita Annabelle ang nagpangalan sa akin ng Carrots. Hindi ko alam kung bakit Carrots ang naisip ni Tita Annabelle,” ang natatawa na kuwento ni Glydel tungkol sa luma na screen name niya.
FROM FLORDELIZA SANCHEZ to carrots alvarez
Nagsimula ang showbiz career ni Glydel nang maging miyembro siya ng defunct youth-oriented program ng GMA-7 na That’s Entertainment.
Ang kanyang tunay na pangalan na Flordeliza Sanchez ang unang ginamit niyang screen name.
Nang magdesisyon si Annabelle na ito na ang mamamahala sa showbiz career ni Glydel, pinalitan niya ng Carrots Alvarez ang pangalang Flordeliza Sanchez.
Noong mga panahong iyon, usong-uso ang mga screen name na mula sa pruta.
Kabilang dito si Apples Gutierrez, pinsan ni Ruffa Gutierrez na anak ni Annabelle, at si Ellie Rose Apple, na nakilala rin sa pangalan na Apples Zuñiga pero Nini Jacinto ang ginamit nang pumirma ng kontrata sa Seiko Films.
Hindi nagtagal si Carrots o si Glydel sa poder ni Annabelle dahil nag-away ang talent manager at ang ina ng aktres.
Ang talent manager na si Edwin “Daddie Wowie” ang sumunod na namahala sa acting career ni Glydel
Si Daddy Wowie ang nag-isip ng bagong screen name ng young actress na ni-repackage niya bilang sexy actress.
“I think manager niya si Annabelle Rama noong 1991. Napapunta si Glydel sa akin noong 1993.
"Six months after ma-discover ko si Isko Moreno, kinuha ko na si Glydel dahil one year na siya na nangungulit sa akin.
“Kunin ko na raw siyang talent dahil wala na siya kay Annabelle.
"Ako kasi ang choreographer noon ng Monday group ng That’s Entertainment kaya tuwing weekly rehearsals, kinukulit niya ako.
“So I thought this girl was very serious na magpa-manage sa akin. Chubby pa si Glydel noon,” kuwento ni Wowie tungkol sa pagsisimula ng talent-manager relationship nila ni Glydel.
Eksklusibong nakausap ng Cabinet Files si Daddy Wowie ngayong Sabado, Abril 27, 2024.

Glydel Mercado witt talent manager Daddy Wowie Roxas (center) and husband Tonton Gutierrez (right)
THE BIRTH OF GLYDEL MERCADO
Tinanong din namin si Wowie tungkol sa kasaysayan ng screen name na Glydel Mercado.
Paliwanag niya: “Kasikatan noon ni Miss Venezuela Minorka Mercado sa Miss Universe 1994.
“Bago pa maganap ang coronation, pinagpilian ko na noon ang mga pangalan na Margaux Mercado, Merca [short for Minorca] Mercado, Lyndel Mercado.
"Then, bigla ko naisip na idagdag ang letter G sa Lyndel so magiging Glyndel.
“Sabi ko, parang panglalaki ang Glyndel, so inalis ko ang letter N.
"Sa spelling at sa pandinig, nakakalito like Glaydel, Glidel, Glidelle, kaya finally, Glydel na lang ang spelling ng screen name niya na pinili ko.”
Si Minorka ang second runner-up sa Miss Universe 1994 sa Plenary Hall ng.
Isa siya sa mga kandidatang pinaborang mananalo pero si Sushmita Sen ng India ang masuwerte na nagwagi ng korona at titulong Miss Universe 1994.

Minorka Mercado (left) with Miss Universe 1994 Sushmita Sen of India (center) and 1st runner-up Carolina Gomez of Colombia
Ngayong Mayo 2024 ang anibersaryo ng ika-30 taon ng paggamit ni Glydel sa screen name na ibinigay sa kanya ni Daddy Wowie.
Hindi na basta dating manager ni Glydel si Annabelle dahil malalim na ngayon ang kanilang relasyon at magkasundong-magkasundo sila.
Stepmother-in-law na ni Glydel si Annabelle dahil asawa ito ni Eddie Gutierrez, ang ama ng mister ng aktres na si Tonton Gutierrez.