PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina, inaming nag-break sila noon ni Jerald Napoles

Kim Molina at Jerald Napoles, nagkabalikan agad dahil sa "bed scene."
by Jojo Gabinete
Published May 9, 2024
kim molina jerald napoles seoulmate presscon
Real-life coupe Kim Molina and Jerald Napoles reunite on the big screen via Viva Films' Seoulmate.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Ang panandaliang paghihiwalay nila ni Jerald Napoles noong 2021 ang rebelasyon ni Kim Molina sa media conference ng Seoulmeyt.

Naganap ito sa isang events place sa Quezon City ngayong Huwebes ng gabi, Mayo 9, 2024.

Ipinagtapat ni Kim na may kinalaman ang pandemya at ang live-in arrangement nila ni Jerald sa pag-aaway nila sa set ng pelikulang kanilang ginagawa noon, ang Ikaw at Ako at ang Ending.

Read: Jerald Napoles, saludo sa paniniwala ni Kim Molina na di dapat maging problema ang pera sa relasyon

Sabi ni Kim tungkol kay Jerald, “Ang suwerte ko lang kasi katulad niya yung kasama ko sa buhay at saka ka-love team.

"Hindi talaga mahahalata ng mga katrabaho namin na may nangyayaring pag-aaway or anything."

KIM AND JERALD's BRIEF BREAKUP

Kasunod nito ay nagbigay ng mga detalye si Kim tungkol sa sandaling panahong naghiwalay sila ni Jerald.

Lahad ng actress-singer: “Like, may ginawa kaming pelikula before na hindi alam ng lahat na nag-break kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Share ko lang sa inyo, ang tagal na naman nito.

"During pandemic po kasi, adjustment. First time din namin na magka-live in ni Je.

"So, yung mga problem namin bilang magdyowa, nagkasama-sama, na-pile up. First time namin magka-live in.

"Lahat naman ng problema namin, hindi namin mapagtuunan ng pansin na pag-usapan kasi kailangan namin kumita.

"Kailangan naming magbayad ng bills. Kailangan namin mag-work.

“E, yung Ikaw at Ako at ang Ending, nagkataon na mga best friend namin yung mga nandoon. Ang direktor namin, si Direk Irene [Villamor]. Hindi namin din sinabi kay Irene."

Read: Kim Molina reveals boyfriend Jerald Napoles sought permission of her parents before they lived together

kim molina jerald napoles ikaw at at ako at ang ending

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kim Molina and Jerald Napoles in Ikaw at Ako at ang Ending

KIM & JERALD'S BED SCENE BEHIND THE CAMERA

Ipinagtapat ni Kim na nagkaayos sila ni Jerald pagkatapos ng kanilang "bed scene" sa likod ng kamera.

"Ang nangyari, ang location namin, sa Pagudpud, Ilocos Norte.

“Nag-away kami, nag-stay kami sa isang cottage. Nag-away kami, 'Break na tayo.' Nag-break kami.

"Tiningnan ko yung sequence guide, bed scene [ang kukunan] kinabukasan.

"Paano ko ito gagawin kasi drama po talaga yung Ikaw at Ako at ang Ending.

“Ito kasi si Je, hindi po kami nakakatulog nang hindi kami nagiging okay.

"So, naging okay naman po kami after nung bed scene na hindi naman [sa harap] ng kamera!" napahalakhak na lahad ni Kim.

Read: Jerald Napoles may butt exposure; itinodo ang steamy love scene nila ni Kim Molina

Pagpapatuloy ni Kim, “So, basically, naayos naman po namin yung aming problema pero walang nakakaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kinabukasan, okay kami, natapos namin yung movie. Ngayon lang namin nasabi."

Nangyari na rin daw ito sa kanila habang ginagawa nila ang musical na Rak of Aegis, na siyang tinatayang pinaka-commercially successful show ng PETA.

Ayon kay Kim, “Nangyari na po siya before kahit Rak of Aegis, so we had to fall in love all over again onstage without the people knowing that there’s something happening off stage.”

At gaya ng pamagat ng pelikula nilang ipalalabas sa mga sinehan simula sa Mayo 29, 2024, siguradong-sigurado naman si Jerald na si Kim ang kanyang soulmate.

Ani Jerald, “Soulmate ko si Kim, ang tagal na natin, magpapa-eme eme pa ba?

"Parang hindi ko na ma-picture ang sarili ko na hindi ko siya kasama."

Read: Jerald Napoles, pinaghahandaan na ang kasal kay Kim Molina?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Real-life coupe Kim Molina and Jerald Napoles reunite on the big screen via Viva Films' Seoulmate.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results