Iyak nang iyak ang magkapatid na Bunny Paras at Sharmaine Arnaiz sa wedding rehearsal ng couple na sina Moira Greenway at Nick Asbury.
Ginanap ang rehearsal noong Biyernes, Mayo 17, 2024, dahil sa kaligayahan na nararamdaman nila para kay Moira.
Magaganap ang kasal sa Linggo, Mayo 19 (Lunes sa Pilipinas, May 20, 2024).
Si Moira ay anak ni Bunny Paras, na kapatid naman ni Sharmaine.
Ang biological father ni Moira ay ang DJ at former television personality na si Mohan Gumatay, o mas kilala bilang Mo Twister.
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Bunny, sinabi nito na simple ang mangyayaring pag-iisang dibdib ng kanyang anak kay Nick.
"Close friends nina Moira at Nick ang entourage nila. Walang ninong at ninang. All friends and family ang invited," bungad ni Bunny.
Paglalarawan pa ni Bunny sa tema ng wedding, "Medyo puti [American] na wedding ang magaganap, Southern and country style."
Kinumpirma ni Bunny ang pagdalo ng lola ni Moira, ang ina ni DJ Mo.
"Close kay Moira ang lola niya. I heard he’s [DJ Mo] going. Importante sa amin ang lola ni Moira because she has always cared for Moira and she loves her apo."
Kasama ni Bunny na lumipad sa Florida mula sa California ang kanyang asawa na si Tom Greenway at ang kanilang tatlong anak na hindi maaaring mawala sa araw ng kasal ng panganay na kapatid nila.
Si Tom ang kinagisnang ama ni Moira at kabilang siya sa mga abala sa paghahanda para sa kasal ng anak.
Si Tom ang naglinis ng wheelchair na gagamitin ni Moira sa araw ng pagpapakasal nito kay Nick na simula ng bagong kabanata ng kanilang mga buhay.
READ:
Bunny Paras, answered prayer ang pagkakaroon ng love life ng anak na may handicap
Moira Greenway, daughter of Bunny Paras, now engaged to Nick Asbury
SHARMAINE ARNAIZ
Kasama ang anak na si Amisha at ang nanay niya na si Candy, lumipad si Sharmaine sa Florida, USA para dumalo sa kasal ng kanyang pamangkin na si Moira Greenway.
Tunay na anak ang turing ni Sharmaine kay Moira dahil siya ang pansamantalang nag-alaga sa pamangkin nang magpasya noon si Bunny na subukan ang kapalaran sa Amerika.

MOIRA GREENWAY'S HEALTH CONDITION
Sampung taon si Moira nang matuklasan ng mga doktor ang kanyang karamdaman na Friedreich Ataxia.
Labimpito ang edad ni Moira nang mangyari ang kinatatakutan nila ng kanyang pamilya, nawala ang kakayahan niyang makapaglakad kaya mula noon, gumamit na siya ng wheelchair.

Sa edad na 24, nagpasya si Moira at ang kanyang fiancé na si Nicholas "Nick" Asbury na magpakasal.
Magaganap ang indoor wedding nila sa Florida na dadaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kamag-anak.
READ:
Bunny Paras stays strong in face of daughter Moira's clinical trial for rare illness
Bunny Paras so proud of daughter Moira for rising above her disability