Papunta sa Spain ang showbiz couple na sina Coco Martin at Julia Montes ngayong Lunes, Hunyo 3, 2024.
Kasama nila sa biyahe ang FPJ's Batang Quiapo co-stars ng aktor, si Senator Lito Lapid at ang anak nito na si Mark, pati si Marissa, ang misis ng senador.
Read: Julia Montes on boyfriend Coco Martin: “Siya yung answered prayer ko.”
Ibinahagi ng businesswoman at social media influencer na si Pinky Tobiano sa Cabinet Files ng mga larawan nila nina Coco, Julia, Mark, at Senator Lapid nang magkita-kita sila sa Emirates Lounge ng Ninoy Aquino International Airport.
Pupunta naman si Pinky at ang asawa nitong si Juanch Robles sa Prague, Czech Republic, dahil sa imbitasyon sa kanya ng Czech Tourism Board for Influencers.

Gaya ni Julia, si Pinky ay talent ng Cornerstone Entertainment bilang influencer at lifestyle host kaya matagal na silang magkakilala.
Kuwento ni Pinky, “Julia and Coco are sobrang mabait.
"I was so impressed with Coco. He is a brilliant marketing person, a genius, and they are authentic. Love ko ang couple.
“Si Julia is super mabait talaga ever since. We are both Cornerstone Entertainment talents and one handler lang kami, si Mac Merla.”
Read: Julia Montes, di sinagot nang diretso kung engaged na sila ni Coco Martin

NEW DRAMA SERIES
Ang Spain trip ang huling biyahe ni Julia sa ibang bansa dahil malapit nang magsimula ang taping ng bagong drama series na pagbibidahan niya.
Huling napanood si Julia sa Pula, ang pelikulang pinangunahan nila ni Coco na ipinalabas sa Netflix simula noong Mayo 3, 2024, at sa Five Breakups And A Romance, ang blockbuster movie na pinagbidahan nila ni Alden Richards na napanood sa mga sinehan noong Oktubre 2023.
Read: Coco Martin-Julia Montes movie na Pula, diretso sa Netflix
Matagal nang inaabangan ang pagbabalik ni Julia sa pag-arte sa telebisyon dahil ang FPJ’s Ang Probinsyano, na nagwakas noong Agosto 12, 2022, ang kanyang huling partisipasyon sa isang TV series.
Read: Julia Montes is Coco Martin's "huling pag-ibig" in Ang Probinsyano teaser