PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Dating aktres, pilit binubura ang mapait na nakaraan

Parang puno pa rin siya ng hate.
by Jojo Gabinete
Published Jul 13, 2024
blind item tungkol sa affair ng dating aktres sa hapily married actor
Makalipas ang maraming taon, tila hindi pa rin makalimutan ng dating aktres ang masakit na pangyayaring naging bahagi ng kanyang nakaraan. Naging karelasyon niya ang isang married actor.
PHOTO/S: https://publicdomainvectors.org/ (family)

Mukhang binura ng dating aktres ang isang mapait na pangyayari sa kanyang nakaraan.

Ang sabi niya kasi sa isa niyang panayam, ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng boyfriend na artista.

Hindi binanggit at all ng dating aktres na bago ito pumasok sa showbiz, nagkaroon siya ng relasyon sa isang aktor na may asawa at mga anak.

Nung nalaman ng misis, parang eksena sa pelikula ang mga sumunod na nangyari.

Pumunta si misis, kasama ang mga anak, sa condominium unit na lihim na tagpuan ng aktor at dating aktres.

Read:

Aktor, kumpirmadong break na sa aktres; may bagong karelasyonAktor, kumpirmadong break na sa aktres; may bagong karelasyon

Guwapong aktor, malapit nang maging isang ganap na ama

PAMILYA O KABIT?

Sa harap ng dating aktres, pinapili ni misis ang aktor, na walang alinlangang pinili ang pamilya.

Labis na sumama ang loob ng dating aktres dahil umasa ito na siya ang pipiliin ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magising ang dating aktres sa katotohanang hindi na siya babalikan ng aktor, pinuntahan niya ang talent manager na matagal nang kumukumbinsi sa kanyang mag-artista.

Sa tulong ng talent manager, nakapasok sa showbiz ang kabit na nagtagumpay, sumikat, at nagbida sa mga pelikula.

Pero hindi nito kinaya ang kasikatang tinamasa at naapektuhan ang kanyang mental health.

Sa kabila ng kanyang popularidad sa entertainment industry at that time, tinalikuran niya ang showbiz.

Read:

Misis, nakumpirma ang affair ng asawang aktor sa aktres

Aktor, dyinowa ang kaibigan ng kanyang girlfriend

DATING AKTRES HATE ANG SHOWBIZ

At simula noon, kapag may mga nakakausap siyang mga tao mula sa industriya, mga hinaing at tampo ang bukambibig ni dating aktres na parang walang naitulong at naidulot sa kanya na maganda ang pagiging artista.

At kahit binago pa nito ang kuwento ng kanyang buhay, tila hindi pa rin makalimutan ng daring aktres ang mapait na nakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas pinapairal pa rin niya ang galit at tampo sa showbiz industry, lalo na sa aktor na tinalikuran siya at pinili ang tunay na pamilya.

Kahit gumawa ng sariling istorya ang dating aktres, hindi niya maitatago ang katotohanan dahil buhay na buhay ang kanyang kaibigang aktor, na siyang saksi sa lahat ng mga nangyari sa personal at propesyonal na buhay ng dating aktres.

Siya rin ang nagbahagi sa Cabinet Files ng detalyadong kuwento ng pakikipagrelasyon noon ng dating aktres sa aktor na isa nang maipluwensiyang personalidad.

Read Next
Read More Stories About
blind item, Kabit
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makalipas ang maraming taon, tila hindi pa rin makalimutan ng dating aktres ang masakit na pangyayaring naging bahagi ng kanyang nakaraan. Naging karelasyon niya ang isang married actor.
PHOTO/S: https://publicdomainvectors.org/ (family)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results