Mapapanood sa YouTube ang mga pelikulang ginawa ni Nora Aunor para sa Regal Entertainment Inc., ang kompanyang itinatag ni Mother Lily Monteverde+.
Bilang pagbibigay-pugay ito sa malaking kontribusyon ng premyadong aktres at National Artist for Film and Broadcast Arts sa Philippine entertainment industry.
NORA AUNOR'S MOVIES UNDER REGAL FILMS
Ang Totoo Ba Ang Tsismis (1981), Minsan May Isang Ina (1983), Till We Meet Again (1985), I Can’t Stop Loving You (1985 ), at Bilangin Ang Bituin sa Langit (1989) ang ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Nora na tampok sa official YouTube channel ng Regal.


Matatandaang si Mother Lily ang responsable sa reunion movie o pagbabalik-tambalan nina Nora at Tirso Cruz 111 sa Till We Meet Again, na certified blockbuster nang ipalabas sa mga sinehan noong August 29, 1985.

Read:
Urban Legends Part 1: Nora Aunor's fling with Don Johnson
Urban Legends Part 2: Nora Aunor's Lucky 12 & Operation: Kumbento
Urban Legends Part 3: Nora Aunor, the Superstar Phenomenon
Itinuturing namang iconic ang linya ni Nora sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit, kung saan nakatrabaho ulit ni Nora si Tirso.

Bilang si Magnolia dela Cruz, tumatak nang husto sa publiko ang dialogue niyang: "Ito ang tandaan mo, wala pang tao ang hindi rumespeto sa pangalang Magnolia Dela Cruz. At ang hindi nakakakilala sa pangalang Magnolia Dela Cruz ay aso lamang!"
NORA AUNOR'S OLD HOUSE
Si Mother Lily ang bumili ng tahanan ni Nora sa Valencia St., Quezon City, na isa sa mga tanggapan ngayon ng Regal Entertainment.

Nakausap ng Cabinet Files si Roselle Monteverde, ang CEO at presidente ng film outfit, ngayong Sabado ng tanghali, Abril 19, 2025.
Nalungkot siya sa pagkawala ni Nora.
Sinabi ni Roselle na may plano pa naman siyang igawa ang Superstar ng pelikula na ibang karakter ang gagampanan.
Madalas kasing naghihikahos at inaapi ang papel ng multi-awarded actress.
Pero hindi na matutupad ang dream project ni Roselle.
Samantala, mananatiling buhay ang mga alaala ni Nora dahil sa mga walang kamatayang pelikula na pinagbidahan niya sa Regal Films, pinilahan sa mga sinehan, at pinarangalan dahil sa kanyang mahusay na pagganap.
Read:
Ian de Leon reveals cause of death of Nora Aunor
Nora Aunor’s legacy: a Superstar onstage and onscreen
Pagpanaw ni Nora Aunor, ibinalita ng international news outlets