Hindi tinanggap ng veteran entertainment reporter na si Cristy Fermin ang hamon ng aktor na si Anjo Yllana na interbyuhin ito sa kanyang programa sa pamamagitan ng Zoom.
Ayon kay Cristy, sayang lamang ang oras.
Inirereklamo ni Anjo ang madalas na pagbatikos sa kanya ni Cristy sa mga programa nito mula nang magbanta ang aktor na ilalantad niya ang mga babaeng karelasyon diumano ni Senate President Tito Sotto.
Read: Anjo Yllana, "willing" tumakbong senador sa 2028 elections
ANJO YLLANA CHALLENGES CRISTY FERMIN TO A LIVE INTERVIEW
Sa live broadcast ni Anjo sa vlog nito noong Huwebes, Nobyembre 6, 2025, hinamon niyang interbyuhin siya ng kanyang itinuturing na "kumare."
Mensahe ni Anjo kay Cristy: “Kumusta po kayo, Mareng Ate Cristy Fermin?
"Cristy Fermin, grabe naman kayong makabanat sa akin.
“Magre-request sana ako, e. Puwede niyo ba akong i-live bukas? Live tayo bukas, Cristy Fermin?
“Tutal, e, di ba ang tapang-tapang ninyo, Cristy Fermin, e, halatang-halata namang ikaw, e, bata ni Tito Sen, di ba?"
Idiniin ni Anjo na nagkasundo sila ng kampo ni Senator Sotto na magkaroon ng "ceasefire."
Saad niya: “Ang usapan namin, ceasefire. Ang ibig sabihin nun, e, stop firing!
"Wala nang siraan. Wala nang batuhan.
"Pero ilang araw mo na akong binabanatan. Kanina binanatan mo na naman ako.
"E, di ba nga, ceasefire na? So, ano ang lumalabas nito?"
Hinala ni Anjo, may kinalaman si Senator Sotto sa patuloy na pagbanat sa kanya ni Cristy.
Pagkastigo ni Anjo: “Sinabi ba sa 'yo ni Tito Sen na, ‘O Cristy, ikaw na ang bahalang bumanat kay Anjo.'
“Alam ko namang pareho kayong taga-Channel 5.
"Hindi naman magsasalita si Cristy Fermin kung walang blessing, nagpaalam sa inyo."
Read: Anjo Yllana concedes bluff, calls ceasefire with Sen. Tito Sotto
ANJO YLLANA TO GIFT CRISTY FERMIN A "BOX"
Hinamon muli ni Anjo si Cristy na i-guest siya nito at bibigyan niya umano ang veteran reporter ng "regalo."
Dire-diretsong pahayag ni Anjo: “I-live mo ako bukas, Zoom tayo dito, bibigyan kita ng regalo.
"Ano ang regalo ko sa iyo? Box! Bubuksan ko yung box.
"May ire-reveal ako sa iyong babae dahil ikaw naman ang mahilig magtanong, itanong mo kung sinong babae yung ilalabas ko nga.
“Ikukuwento ko sa iyo, tutal, e, nagkakatrayduran na naman dito. Meron nang usapan na ceasefire, binabanatan mo ako.
“So, Cristy Fermin, hinahamon ko po kayo kung talagang matapang kayo, alam mo naman yung telepono ko.
"Tawagan mo ako tapos Zoom tayo, tapos magba-box reveal ako.
“Magba-box reveal ako sa iyo ng isang chicks.
"Bahala ka nang magtanong kung sino yung chicks na iyon at kung ano ang kaugnayan niya sa usapan natin. I-explain ko nang buong-buo.
“Kung talagang matapang kayo, Cristy, kasi banat kayo nang banat, nananahimik ako dito. Ayaw ninyo akong tawagan.
"Kung talagang matapang ka, sana’y makarating ito kay Cristy Fermin, hinahamon kita. Mag-usap tayo, Zoom!
"May dala akong regalo, bubuksan ko, box reveal!
“May lalabas diyan na babae, kapag tinanong mo sa akin kung sino yan, saka ko sasabihin kung kaninong kabit yan?
"Okay, Cristy Fermin?
"Sana tanggapin mo ang hamon ko. Sana hindi ka mapikon.
"Matapang ka, e, tanggapin mo yan.
"Tanggapin mo ang hamon ko para may masirang tao dito. Okay? Go!”
Read: Anjo Yllana, nilinaw ang pagkakautang umano kay Willie Revillame
CRISTY FERMIN DECLINES ANJO YLLANA'S OFFER
Ngayong Biyernes, Nobyembre 7, ipinahayag ni Cristy sa Cabinet Files ang kanyang panig tungkol sa hindi niya tinanggap na hamon ni Anjo.
“E, akala ko ba nagkaayos na sila? Bakit may ganyan pa siya?” tanong ni Cristy.
Nanindigan si Cristy na hindi niya nakakausap si Senator Sotto.
Saad niya: “Tandaan mo, hindi ako puwedeng makipag-usap kahit kanino.
"Sarili kong opinyon iyon. Hindi ko kinakausap ang mga Sotto, never.
“Ano ba naman ako? Pakawala ba ako?
"Ano ba, hindi naman ako troll. Tayo naman nagtatrabaho nang paangat.
“Unang-una, hindi ko ige-guest si Anjo sa SNN at saka sa CFM, sayang ang oras.”
Si Cristy ang host ng kanyang online show na Showbiz Now Na! at Cristy FerMinute sa One.PH.
Pagpapatuloy niya: “Marami pa tayong mapagbibigyan ng oras sa kapaki-pakinabang. At saka kahit kailan, ayoko sa walang utang na loob, di ba?
“Yung mga hindi marunong magpahalaga sa pagkakaibigan.
"Di ba nga, nasasaktan tayo kapag ang pagkakaibigan, e, tinatraydor?
"Ayaw natin iyon kasi nandun yung pagpapahalaga natin tapos tatraydurin ka lang pala.
“Ayoko talaga sa dila niya.
"Hindi ko siya ige-guest, sayang yung oras. Ibibigay ko sa iba yun."