Gugunitain ng pamilya ni Rene Baterbonia sa Setyembre 16, 2026, ang ika-100 na araw ng kanyang pagpanaw.
Mangyayari naman sa Setyembre 15, ang ikalawang pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI ) laban sa mga indibidwal na pinananagot sa pagkamatay ni Rene at ng kapwa manlalaro sa Ateneo Blue Eagles basketball team na si Divine Adili
Read: Who is Rene Clert Baterbonia?
Binawian ng buhay sina Rene at Divine nang malunod sila noong Hunyo 8, sa dagat ng Dipaculao, Aurora, ang lugar na pinagdausan ng training activity ng basketball team.
Naganap noong Martes, Setyembre 1, ang preliminary investigation sa kaso ng reckless imprudence resulting in homicide na inihain ng NBI laban kay Ateneo Blue Eagles coach Thomas Anthony "Tab" Baldwin at sa walong personalidad na may kaugnayan sa nabanggit na basketball team.
Sa press conference na nangyari noong Setyembre 3, sinabi ni DOJ Undersecretary Ian Norman Dato na inaasahang magsusumite sa Setyembre 15 ng counter-affidavits si Baldwin at ang mga kapwa akusado nito.
Read: Alex Gonzaga: "I am so happy to be a mommy"
Rovelyn Baterbonia's Request
May kahilingan si Rovelyn Baterbonia, ang ina ni Rene, sa mga tagasuporta ng pamilya niya para sa paggunita sa ika-100 araw ng pagpakamatay ng kanyang anak.
Ginamit ni Rovelyn ang Facebook page nito na merong 1.6 million followers para iparating sa mga kinauukulan ang kanyang hiling.
Gusto raw sana nila na walang selebrasyon.
Published as is, ang panimula niya: "Good morning sa lahat gosto Kong walang mangyaring celivertion sa puntod ng anak Kong c Rene Clert Baterbonia para sa 90 or 100 day..."
Imbes na magpadala raw ng pagkain, mas kailangan ng pamilya ang monetary donations, na makakatulong habang dinidinig ang kaso.
Humingi rin siya ng dasal.
"gusto ko lang simpling pagdasal ayaw Kong may makarating na litson. pa-pizza,pa-baloons at Kong ano2x paman Kasi Hindi ko muna tanggapin yong mga ganyan..."
"Ngayon unahin ko Muna ang Kaso ng anak sana maintendihan nyo.
“Ako Hindi ko kailangan ng matirya materyal) na Bagay kc gusto ko dasal at Kong may mga konting tulong na ipapaabot nyo Kong pwedi dritso nyo na sa akin.”

Ibinahagi ni Rovelyn sa Facebook post nito ang mga Gcash at Gotyme accounts niya para sa mga may mabubuting kalooban na magpapadala ng tulong pinansiyal.
Kasunod nito ang habilin na “pa-screenshoot na lang po para ma-check ko ..SALAMAT NG MARAMI...”