Naganap na ang pagkikita nina Rovelyn Baterbonia at Angelica Yulo, dalawang ina na kapwa naging sentro ng kontrobersiya dahil sa kanilang mga anak na atleta.
Si Rovelyn ang nagdadalamhating ina ni Rene Baterbonia, ang basketball player ng Ateneo de Manila University na namatay dahil sa pagkalunod noong Hunyo 8, 2026.
Si Angelica naman ang ina ni Carlos Yulo, ang two-time 2024 Paris Olympics at twotime 2026 Asian Games gold medalist na nagkaroon ng masalimuot na relasyon sa kanyang ina.
Ibinahagi ni Rovelyn ang nakatakda nilang pagkikita ni Agelica nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong Oktubre 2, 2026.
“Nagkakilala kami kasi may isa akong kaibigan na kaibigan din niya.
"Nung pumunta kami noong September 15 po dito [sa Maynila], muntikan na sana kaming magkita.
"Pero may lakad din po ako, tapos siya nagla-live [selling] kaya hindi kami nagkita.
"Baka sa susunod, magkikita na kami. Magkumustahan lang siguro,” kuwento ni Rovelyn tungkol sa plano nilang personal na pagkikita.
Read: Rovelyn Baterbonia denies profiting from son Rene’s death
THE MEETING OF TWO CONTROVERSIAL MOTHERS
Hindi nagtagal ang paghihintay dahil nagkita na ang dalawa sa isang restaurant sa Quezon City ngayong Lunes, Oktubre 5, 2026.
Parehing nagbahagi sina Angelica at Rovelyn ng mga larawan ng kanilang pagkikita sa kani-kanilang Facebook pages, kung saan kapansin-pansin ang kanilang masayang bonding kasama ang iba pang mga kaibigan.
“Finally!!!!!” simpleng caption ni Angelica sa mga litrato nila ni Rovelyn.
Pabirong “Basher attack” naman, na sinamahan ng broken heart emojis, ang caption ni Rovelyn sa larawan ng kanilang pagtatagpo at pagsasanib-puwersa.
Read: Rovelyn Baterbonia clarifies PHP30 entrance fee at Rene museum
CONTROVERSIAL CELEBRITY MOTHERS
Parehong kontrobersiyal sina Rovelyn at Angelica.
Kapwa rin sila nakararanas ng matinding pambabatikos online, bagamat magkaiba ang kuwento ng kanilang pagkakawalay sa kanilang mga anak na parehong atleta.
Nakuha nina Rovelyn at Angelica ang atensiyon ng publiko dahil sa kani-kanilang panganay na anak.
Si Carlos, na buhay ngunit may komplikadong relasyon sa kanyang ina; at si Rene, na pumanaw at labis na ipinagluluksa ni Rovelyn.
Mariin ding itinanggi ni Rovelyn ang mga paratang na pinagkakakitaan niya ang kanyang anak.
Read: Rovelyn Baterbonia denies profiting from son Rene’s death
Samantala, noong Linggo, Oktubre 4, 2026, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Angelica, na dati ring inakusahang nilustay ang pera ni Carlos.
Tumanggi siyang magpainterbyu at nanindigan sa kanyang desisyong huwag nang magsalita sa media tungkol sa estranged relationship nila ng kanyang anak.
Read: Carlos Yulo prefers not to invite parents on wedding to Chloe