Matagal nagkunwari si Angel Castro sa mga nakaraang interbyu sa kanya ng entertainment press dahil sinabi niyang nauunawaan niya ang kanyang estranged mother, ang dating aktres na si Raven Villanueva.
Pero sa kanyang guest appearance sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, Nobyembre 18, 2026, inamin ni Angel na hindi pala ganoon kasimple ang kanyang nararamdaman.
Hindi napigilan ng dalaga ang pag-iyak nang ilahad niya ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob sa ina, na pakiramdam niya ay itinapon lamang siya.
Bago ito, inamin ni Angel na nagkaroon din siya ng tampo sa kanyang amang si Diego Castro.
Saad ng VMX sexy star: “Meron po, nung una sa dad ko.
"But then, when I grew up, I understand why certain things he’s disciplining me. I took it the wrong way before. When I got older.
"Pero dati, parang ang sama ng loob ko sa kanya.
“Yung mom ko po, I can’t say a lot of things because I’m trying to protect the another family.”
Tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha nang kumustahin ni Boy Abunda ang relasyon nila ni Raven.
“Ang tagal na pong wala [komunikasyon]. I tried na [magkaayos kami], pero wala po.
"I think she’s busy with the new kids,” sabi ni Angel.
Read: Angel Castro shares painful truth about mom Raven Villanueva
ANGEL CASTRO ADMITS SHE'S ANGRY AT HER MOTHER
Nang tanungin kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang ina, inamin ni Angel na hindi totoo ang mga dati niyang pahayag na nauunawaan niya ito.
“She probably knows that I’m angry at her, but when people asked me, 'I understand,' but I really don’t.
“Lagi na lang I tell people that I understand her, that I have to grow up by myself.
“I can see ang ayos nila doon, bakit ako walang ganoon?” umiiyak na pahayag ni Angel, na humingi rin ng paumanhin dahil hindi niya napigilan ang kanyang emosyon.
Tinanong din siya kung may posibilidad pang magkaayos sila ng kanyang ina.
“Ang hirap po kasing magkamali ng sasabihin, but to be honest, huwag na lang po kasi ang sakit nung ginawa niya.
“Basta ano po, civil, okay na po. Kahit hindi na maging close,” saad niya.
Dahil dito, natanong ni Boy kung ano ang ginawa ni Raven na labis na nakasakit kay Angel.
“Parang itinapon niya ako,” sagot ni Angel.
“That’s why you’re angry?” tanong ni Boy.
“Yes,” pag-amin ni Angel.
Read: Claire Castro inaming nangungulila sa inang si Raven Villanueva
ANGEL CASTRO ON HER PARENTS'S SEPARATION
Bago napag-usapan ang sama ng loob ni Angel kay Raven, tinanong muna siya ni Boy kung paano siya naapektuhan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
Lahad niya: “I was a kid po. Hati po ako, e. Parang manananggal. Parang hati ang katawan ko.
“I stayed with my grandmother [June Keithley] and then, mom’s weekends.
"But there was this time, I was staying in Parañaque, with my mother’s side. I was studying there.
“Magulo po kasi may portion ng childhood ko, ito ang kasama ko tapos may iba na naman.
“I could understand at a young age because there was this time, I was with my mom probably.
“I remember, I was pretty young, my dad and my lola, I could hear them in the living room. Naririnig ko, ‘Wala nga siya dito. Wala!’ Gumaganoon ang dad ko.
"So, basically, parang nagkakadamutan po sila sa akin at that time.
"So I could sort of understand what’s going on.”
Ikinuwento rin ni Angel kung paano siya nagrebelde noong kabataan niya.
Ayon sa dalaga, maaga siyang bumukod at nagsimulang magtrabaho upang makalayo sa magulong sitwasyon ng kanyang pamilya.
“Bumukod po ako nang maaga. That’s my form of rebellion.
"I started worked pretty early. Seventeen, receptionist, promo model.
“Mostly receptionist. I just wanted to be away, kasi for me, it’s pretty chaotic,” sabi ni Angel.
Matagal nang nakabase sa Amerika si Raven Villanueva, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag tungkol sa estranged relationship nila ng anak na si Angel Castro.
Read: Claire Castro, umaasang mag-reconnect sa inang si Raven Villanueva