Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pinky Amador, nag-react sa mga banat at mura sa kanya ni Jaclyn Jose

by PEP Troika
Jun 11, 2020
Pinky Amador (left) on Jaclyn Jose: "Hindi ko akalain na masasabi niya yung mga salitang yun sa akin. Ang masasabi ko lang, I considered her as a friend, and no comment po.”
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal

GORGY RULA

Nakausap namin ang aktres na si Pinky Amador sa radio program namin sa DZRH nitong Hunyo 10, Miyerkules ng gabi.

Inilahad ng beteranang aktres ang buong pangyayari at ang naramdaman sa kinasangkutan niyang gulo.

Kaugnay ito ng paninigaw at pagmumura ni Pinky sa isang condotel staff na nakunan ng video at kumalat sa social media.

Pero ang nakadagdag sa gulo ay ang pagkomento ni Jaclyn Jose sa Facebook account ni Vivian Velez noong Hunyo 8, Lunes, kung saan kinondena nito ang ginawa ni Pinky.

May hiwalay ring Instagram post si Jaclyn kung saan binanatan niya nang husto si Pinky.

Ayon kay Pinky, hindi siya nakatulog nang nabasa niya ang post ni Jaclyn.

Maingat ang pahayag ni Pinky tungkol dito.

Ani Pinky, “Talagang hindi ako makatulog. Sobrang bigat sa akin.

"Kasi ang taas ng tingin ko kay Jane [tunay na pangalan ni Jaclyn].

“Sa totoo lang, I look up to her.

Continue reading below ↓

"I’m proud of what she has achieved for our country," pagtukoy niya sa pagwawagi ni Jaclyn bilang best actress sa Cannes International Film Festival noong 2016 para sa pagganap niya sa Ma' Rosa.

Patuloy ni Pinky, "Hindi ko akalain na masasabi niya yung mga salitang yun sa akin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ang masasabi ko lang, I considered her as a friend, and no comment po.”

Aware din daw siyang nagkaroon ng conflict sina Jaclyn at Vivian dahil sa ipinagtanggol siya ng director general ng Film Academy of the Philippines (FAP).

“Binasa sa akin ng manager ko kanina yung post ni Vivian.

“Kasi, nag-sorry na yata si Ms. Jaclyn sa kanya.

"Ms. Vivian, maraming-maraming salamat.

“Para po sa lahat na nakaintindi, sa lahat na sumuway ng video.

"Sa lahat na nakakita na... teka muna, kalagitnaan lang ito. Ano ba yung nangyari before and after?

“Sa lahat po… Ms. Vivian Velez, maraming-maraming salamat po.

“Kahit na rin po sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, mga naging nakatrabaho ko, mga make-up artist, mga naging estudyante ko, mga colleagues ko. Nagbigay naman sila ng suporta.

Continue reading below ↓

“Kasi, naawa na rin sila sa akin.

"Kasi, hindi naman ako yung tipong nakikisalamuha sa ganyan,” seryosong pahayag ni Pinky.

JERRY OLEA

Minsan pang humingi ng paumanhin si Pinky sa mga nakapanood ng viral video.

“I’m very, very sorry kung nakasakit ako sa inyo.

"I’m really, really very sorry at hindi ko naman talaga sinasadya,” aniya sa DZRH.

“Kumbaga, nadala lang talaga ng takot, at ng emosyon sa panahong ng COVID. Ang kagustuhan na mabuhay na ligtas sa sakit.

“Yun lang naman talaga ang aking ibig. Pasensiya na po talaga.

"Sisikapin ko na hindi na iyan mauulit.

“Sisikapin ko rin na sana maayos na ang pamumuhay namin dito.

"Sana, pansinin na po kami ng aming management.

"Sana, umayos na po ang kanilang sistema."

Bago nangyari ito, nakatakdang magturo si Pinky ng Master Class on Acting.

Naisip ng 54-anyos na aktres na mas keri niyang ituro ang Master Class on Kontrabida Acting.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Pilit kong iniintindi kung saan nanggagaling si Pinky Amador sa kanyang paliwanag.

More than the kaso na nasa barangay na, o yung kampihan nila ni Vivian Velez, mas hinihintay ko ang pagpapakumbaba niya sa staff na nakatikim ng matatalim niyang salita na sabi niya’y hindi pa niya nababalikan.

Sa akin, yun ang mas mahalagang makausap niya nang mahinahon. Secondary na sa akin ang publiko.

Sa kaguluhang nangyayari sa buhay natin ngayon, madaling mag-init ng ulo at mawala sa sarili.

Pero ang tatatak at gagawa ng mas matinding impact ay iyung KINDNESS at KABUTIHAN.

JERRY OLEA

Hunyo 5, Biyernes nagwala sa galit si Pinky Amador sa condotel na tinutuluyan niya.

Agad kumalat ang cellphone video nagwawala siya.

Tatlong bahagi ang cellphone videos sa kanya, kahit may CCTV sa opisina na nakunan ang buong pangyayari.

Hunyo 7, Linggo ng gabi, nakatanggap tayo ng official statement ni Pinky kaugnay sa pangyayari, mula sa manager niyang si Arnold L. Vegafria (ALV).

Continue reading below ↓

Nakipag-coordinate tayo sa staff ni ALV kung kailan pwedeng mainterbyu ng DZRH si Pinky. Pwede ba sa Lunes ng gabi?

Ipinarating ng ALV staff na may barangay mediation pa si Pinky sa nakaalitan sa Martes, kaya sa Wednesday na lang siya magsasalita.

Hunyo 6, Lunes ng umaga, ipinost ni Vivian Velez sa kanyang Facebook account ang official statement ni Pinky.

Nagkomento si Jaclyn kontra kay Pinky.

Hindi naniwala si Vivian na si Jaclyn ang nagkomento, dahil magkaibigan siya at alam nito ang contact number niya.

Pakiwari ni Vivian, hindi ganoong magsalita si Jaclyn.

Hunyo 7, Martes, nag-apologize si Jaclyn kay Vivian via Instagram.

Batid daw ni Jaclyn kung anong klaseng tao si Vivian, at hindi niya sinasadyang alipustain ito.

“Mali ako. You are a friend, a family friend for that matter. Again, I apologize,” sabi ni Jaclyn.

Hunyo 8, Miyerkules ng hapon, sinabi ni Vivian via Facebook na hindi niya tanggap ang paghingi ng paumanhin ni Jaclyn.

Continue reading below ↓

Katwiran ni Vivian, “You deliberately made sure that I will get hurt by your accusations and false witness about my person...”

Ang unsolicited advice ni Vivian kay Jaclyn, huwag itong magkomento kapag lasing.

Kailan kaya matutuloy ang barangay mediation ni Pinky at ang mga taga-condotel?

Pwede kayang si Pinky ang maging mediator sa pagitan nina Vivian at Jaclyn?

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinky Amador (left) on Jaclyn Jose: "Hindi ko akalain na masasabi niya yung mga salitang yun sa akin. Ang masasabi ko lang, I considered her as a friend, and no comment po.”
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results