Maraming ABS-CBN employees, nag-last day ngayon sa trabaho

by PEP Troika
Aug 28, 2020
Kabilang ang libu-libong empleyado ng ABS-CBN sa dagdag na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho ngayong may pandemya. Ito ay matapos pagkaitan ng Kongreso, alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Duterte, ng prangkisa ang dating broadcast giant.
PHOTO/S: Courtesy: Davinci Maru, ABS-CBN News Facebook

NOEL FERRER

“It’s the duty of media to ask the hard questions, to press for accountability and more.”

Ito ang mariing pahayag ni former Senator Antonio “Sonny” Trillanes, na guest sa aming radio program na Level Up ng Radyo Katipunan nitong Agosto 28, Biyernes ng hapon.

Nataon ang second anniversary special ng Radyo Katipunan ngayong araw sa pagtitipon para sa mga kasamahan natin sa ABS-CBN.

Marami kasi sa kanila ang magla-last day ng work ngayong Biyernes dahil National Heroes Day o holiday sa August 31, Lunes.

Kabilang sila sa libu-libong na-retrench matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN noong July 10.

Sabi ni Senator Trillanes, may laman ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noon na ibenta na lang ng Lopez family ang ABS-CBN, at mayroon na raw kaalyado ang Presidente na interesadong bumili.

Pero matigas ang Lopez family. Hindi nila ibebenta ang ABS-CBN.

Patatatagin nila ang kanilang digital platform, at magbabalik sa takdang panahon.

Continue reading below ↓

Kaya nakikiisa ako sa mga kaibigang magla-last day ngayon. Kasama ninyo ako sa laban.

Hanggang sa muli nating pagkikita at pagtatrabaho muli... in better times.

GORGY RULA

Wala na tayong magagawa. Move on, move on!

Abangan na lang natin next month kung totoong magiging blocktimer na ang ABS-CBN sa ZOE TV.

May isa akong nakausap na nagsabing halos plantsado na raw ang kontrata. Gusto raw ng taga-ZOE na matuloy ito para makabalik sa trabaho ang ilang empleyado ng ABS-CBN na nakasama sa retrenchment.

Baka ibalik sila kapag bumalik ang ilang Kapamilya shows sa istasyon ni Bro. Eddie Villanueva.

JERRY OLEA

“Anumang pagsubok ang harapin, isang Pamilya tayo sa Panalangin.”

Nitong Biyernes ng 5:30 PM, nagkaisa sa pananalig ang mga Kapamilya sa Misa kasama ang ABS-CBN Chaplain na si Fr. Tito Caluag.

Nag-livestream ito sa Facebook page ng ABS-CBN na meron nang 25M subscribers.


Continue reading below ↓

Gaya ng naibalita natin before, sa Agosto 31, Lunes ng hatinggabi, ay mawawala na ang streaming platform ng ABS-CBN na iWant (app at website).

Magma-migrate ito sa bagong sistema. Makikipag-merge sa TFC Online.

Kaya sa Setyembre 1 ay mag-uumpisa ang iWant TFC app and website—na maa-access worldwide.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang libu-libong empleyado ng ABS-CBN sa dagdag na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho ngayong may pandemya. Ito ay matapos pagkaitan ng Kongreso, alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Duterte, ng prangkisa ang dating broadcast giant.
PHOTO/S: Courtesy: Davinci Maru, ABS-CBN News Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results