PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ian de leon hindi nakarating sa pa-birthday party ng inang si Nora Aunor

Dahilan daw ni Ian sa inang si Nora, inatake ito ng gout.
by PEP Troika
Published Dec 12, 2020
Nora Aunor and Ian de Leon.
Naghanda ng birthday party si Nora Aunor para sa anak na si Ian de Leon. Pero ayon sa showbiz reporter na malapit sa Superstar, nag-text si Ian sa aktres na hindi ito makakarating sa inihanda ng ina dahil inatake ito ng gout.
PHOTO/S: (Nora Aunor) Courtesy of Rodel Fernando / (Ian de Leon) File

GORGY RULA

Masamang-masama ang loob ng kapatid namin sa panulat na si Rodel Fernando dahil sa hindi pagsipot ni Ian de Leon sa inihandang birthday party sa kanya ni Nora Aunor noong Biyernes, December 11.

Si Rodel ay matagal nang close kay Nora at lagi siyang isinasama sa mga lakad nito.

Isa si Rodel sa tumulong kay Nora sa paghahanda ng dinner party para sa kaarawan ng anak, na gaganapin sana sa Alfredo’s Restaurant sa Quezon City.

Narito ang kabuuan ng kuwento niyang ipinadala via Facebook Messenger na ilalabas din daw niya sa kanyang column.

Halos isang linggo rin ang preparasyon ni Ate Guy sa espesyal na okasyon ng anak.

“Mula sa reservation sa Alfredo’s restaurant, pag-order ng cake, at pagbili ng regalo para kay Ian, sa asawa, at sa dalawa niyang apo na sina Jaden at Jordan.

“Siniguro ng Superstar na magiging maayos ang lahat para maging masaya ang munting salu-salo para sa kaarawan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabihan din ni Nora si Ian na siya na ang bahalang mag-imbita sa kanyang mga kapatid. Naghanda rin siya ng pakimkim na sobre kay Ian at sa mga anak na darating.

“Alas-dos pa lang ng hapon noong December 11 ay maaga nang nagbihis si Nora.

“Bago pumunta ng venue ng birthday ay sumalang muna siya sa Zoom interview sa programa ni Noel Ferrer para sa promo ng MMFF entry na Isa Pang Bahaghari.

“Papatapos na ang interview ay nag-text si Ian na hindi na raw makakapunta sa pa-birthday ng ina.

“Naging emosyonal si Ate Guy at napaiyak sa sama ng loob. Hindi siya tuloy nakapagpaalam sa host at kina Direk Joel Lamangan at Harlene Bautista na kasama niyang nag-guest sa show.

“Saksi ang inyong lingkod sa lungkot na naramdaman ng aktres sa oras na iyon.

“Ang masakit pa nito, two hours before yung dinner na naka-set ng 6 p.m. ay saka pa lang nag-text si Ian na hindi siya makakapunta. Ano iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana, maaga pa lang ay nagsabi na siya at hindi yung last minute!

“Idinahilan niya niya na tatlong araw na raw siyang inaatake ng gout niya. Namaga raw ang paa niya at hindi siya makalakad, kaya hindi na siya makakapunta.

“Iniisip ko na lang na kung tatlong araw bago ang birthday niya at namaga ang paa, e, sana noong unang araw na sumakit ang paa niya ay ginamot na niya ito.

“Nakukuha naman ang gout sa gamot.

“Ang pagkakaalam ko rin, 3 days bago siya nag-birthday ay may kinuwento sa amin si Ate Guy na ka-text niya raw si Ian, dahil tinatanong niya ito kung ano ang mga regalo na bibilhin para sa mga anak.

“Masaya niya itong ikinuwento sa amin dahil excited siya sa mga bibilhin para sa mga apo niya.

“Isa pa, sinabihan rin niya ito bago maghapon sa araw ng birthday niya na magdala sila ng face mask at face shield lalo na sa mga apo niya at sinang-ayunan naman ito ni Ian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagtataka lang ako at bigla-bigla ay hindi siya makakapunta. Bakit?

“Ano ba, Ian? Hindi ko ma-get ang mga rason mo, sa totoo lang!

“Ganunpaman, tumuloy pa rin si Nora sa Alfredo’s at mabuti na lang ay pumunta ang isa sa mga anak niya na si Kenneth kasama ang kanyang asawang si Sam.

“Naging advanced holiday party tuloy ang naganap kasama ang ilan sa mga malalapit sa kanya na fans at ilang kaibigan na last minute ay pinapunta ng aktres.”

JERRY OLEA

Maligaya tayo sa #JessyGotLucky, ang "Engagement for All Seasons" nina Jessy Mendiola at Luis “Lucky” Manzano.

Masigla at malusog si Lucky, 'tapos, si Ian de Leon... may gout?!

Bakit waley rin sa pagtitipong inihanda ni Ate Guy sina Lotlot at Matet de Leon?

Sinabihan ba sila ni Ian?

Mas makulay pa sa bahaghari ang dagdag na super himutok-eklavu ng Nag-iisang Rodel Fernando na ipinadala sa PEP Troika, “Sa totoo lang, kahit hindi ko alam ang buong kuwento sa pamilya ni Ate Guy ay hindi maganda ang ginawang ito ni Ian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang excited pa naman si Ate Guy sa pagsasama nilang muli ni Ian pero binalewala ng anak.

“Sinulat ko ito para malaman ng mga tao na hindi nagkulang si Nora sa bahaging ito sa espesyal na araw ni Ian.

“Baka kasi pag hindi ito malaman ay si Nora na naman ang mapapasama at sabihan na siya ang hindi sumipot at nambalewala sa anak.

“Sa totoo lang, isa ako sa natuwa sa move na ito ng Superstar dahil magiging masaya ang lahat kung makikitang kasama ni Ate Guy ang mga anak niya.

“Sayang, ang ganda-ganda sanang pagkakataong ito.

“Bilang malapit sa aktres, inaasam ko na magkakasama silang muli lalo na ngayong holiday. season.”

Sabi pa ni Rodel, alam daw niyang di siya papayagan ni Nora na isulat niya ito. Kaya hindi raw niya ito ipinaalam.

Nasaktan lang daw siya para kay Nora, dahil nakita raw niya kung paano ito pinaghandaan ng Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP Troika sa panig ni Ian kaugnay sa usaping ito.

NOEL FERRER

Isang oras lang si Ate Guy sa programa kong Level Up sa Radyo Katipunan imbes na yung usual 3:00-5:00 pm dahil birthday naman daw ng anak niyang si Ian de Leon ang pupuntahan niya.

Alam kong pinaghandaan ni Ate Guy iyon.

Bakit kaya hindi nakarating ang birthday boy?

Ay! Sana, ang bisa ng Pasko ang magbuklod sa pamilya ng ating Superstar.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naghanda ng birthday party si Nora Aunor para sa anak na si Ian de Leon. Pero ayon sa showbiz reporter na malapit sa Superstar, nag-text si Ian sa aktres na hindi ito makakarating sa inihanda ng ina dahil inatake ito ng gout.
PHOTO/S: (Nora Aunor) Courtesy of Rodel Fernando / (Ian de Leon) File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results