Mga sinehan sa GCQ areas, balik-operasyon na ayon sa IATF protocol; online streaming ng mga pelikula, arangkada pa rin

by PEP Troika
Feb 12, 2021
Inter-Agency Task Force, pinayagan nang magbukas ang traditional cinemas sa GCQ areas simula sa February 15, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascaño

NOEL FERRER

Heto na ang latest protocol mula sa Inter Agency Task Force (IATF).

Pwede nang magbukas ang mga traditional sinehan simula Lunes, Pebrero 15. Pero siyempre, io-observe pa rin nang mahigpit ang health protocols.

Para lamang ito sa mga lugar na ang status ay general community quarantine (GCQ) at limitado pa rin ang mga tao sa sinehan.

Magandang balita ito sa ating mga kasamahan sa industriya.

Sabi ng latest rules:

"IATF eases restrictions for religious gatherings in GCQ areas, allows them to have 50 percent venue capacity beginning Monday.

"The IATF has also allowed the opening of driving schools, traditional cinemas, video or interactive game arcades, museums, meetings, exhibitions.

"Also permitted are limited tourist attractions, such as parks, theme park, historical landmarks, and natural sights in GCQ areas."

Mga ka-Troika, ano ang masasabi ninyo rito?

GORGY RULA

Ilang producers na nakausap namin ang nagsabing hindi pa rin sila umaasang kaagad na mababalik ang dating lakas ng mga sinehan.

Continue reading below ↓

Marami pa rin sa mga tao ang takot lumabas at manood sa sinehan.

Lalo na ang mga magulang, karamihan sa kanila ay ayaw pa ring palabasin ang mga bata sa bahay.

Kaya ewan ko lang kung okay ang mga pelikulang pambata.

Pero sana, mabigyan ng chance ang Metro Manila Film Festival 2020 entries na maipalabas sa mga sinehan.

Kailangan pa rin nilang makabawi kahit paano.

JERRY OLEA

Streaming worldwide ang Hello Stranger The Movie simula ngayong Pebrero 12, Biyernes, sa KTX, iWant TFC, TFC (IPTV Videos On Demand), Cignal Pay-Per-View (Ch. 190 at 290), at SKY Movies PPV (Ch. 159 at 259), powered by CineXpress.

PHP200 ang online ticket sa BL movie nina Tony Labrusca at JC Alcantara, na mapapanood hanggang Marso 16.

Bago ang digital premiere nito kagabi sa KTX ay panay-panay ang plugging ng pelikulang Love or Money nina Angelica Panganiban at Coco Martin. Marso 12 ang streaming nito.

Continue reading below ↓

Iindayog pa ang Anak ng Macho Dancer sa KTX mula Pebrero 19 hanggang 28, tuwing 6:00 p.m. at 9:00 p.m. Ang tiket ay PHP169.

Ngayon ding Pebrero 12, Chinese New Year ang umpisa ng worldwide streaming ng Pinoy BL series na Ben x Jim Forever. PHP250 ang tiket para mapanood sa Upstream ang walong episodes ng BL series na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

Nasa Season 2 rin ng Ben x Jim sina Kat Galang, Ron Angeles, Sarah Edwards, Royce Cabrera, Vance Larena, Miko Gallardo, Darwin Yu, Jomari Angeles, EJ Jallorina, at Annika de la Cruz. Ang director nito ay si Easy Ferrer.

Ngayon ding Friday ang umpisa ng streaming sa Netflix ng To All The Boys: Always and Forever.

Bida sa romantic comedy na ito sina Lana Condor at Noah Centineo. Third installment ito ng To All The Boys I’ve Loved Before film trilogy.

Nasa Netflix na rin ang Regal movie na The Annulment, starring Lovi Poe and Joem Bascon.

Continue reading below ↓

Streaming na starting today sa Vivamax ang Parang Kayo Pero Hindi, ang digital series nina Xian Lim, Marco Gumabao, at Kylie Versoza. PHP149 ang monthly subscription sa VivaMax.

Streaming na rin sa VivaMax ang Mia at Call Her Ganda. Sa Marso 5 naman ang streaming dito ng pelikulang Tililing. PHP99 ang monthly subscription sa FDCP Channel.

Kabilang sa streaming on-demand dito ngayong Pebrero ang mga pelikulang White Slavery, Sonata, T’yanak, Pagdating sa Dulo, Genghis Khan, at Maynila sa mga Kuko ng Liwanag.

Marami pang streaming services na laging may bagong content, gaya ng Gagaoolala at WeTV.

Andami nang pwedeng mapanood online. Handa na ba kayong manood sa mga sinehan?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inter-Agency Task Force, pinayagan nang magbukas ang traditional cinemas sa GCQ areas simula sa February 15, 2021.
PHOTO/S: Jerome Ascaño
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results