Mga taga-GMA-7, itinangging lilipat sa kanila si Maja Salvador

by PEP Troika
Feb 15, 2021
Lumutang nitong mga nakaraang araw ang balitang lilipat diumano si Maja Salvador sa Kapuso network, pero pinabulaanan ito ng ilang taga-GMA-7 na nakausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph

GORGY RULA

Tiniyak ng ilang taga-GMA 7 na nakausap ng PEP Troika na walang Maja Salvador na lilipat sa Kapuso network.

Ipinagtataka raw nila kung bakit may ganoong kumakalat na balita dahil, definitely, hindi raw ito nanggaling sa kanila.

Kung totoong merong pirmahang nangyari, hihintayin na lang ang formal announcement, pero waley pa raw talaga.

May ilan pa kaming narinig na nakikipag-usap daw talaga si Maja sa ilang executives ng GMA-7, pero hindi raw ganoon kalinaw ang pag-uusap.

Walang napagkasunduan hanggang sa napabalitang may gagawin palang soap si Maja para sa TV5 na pagtatambalan nila ni Empoy Marquez. Kaya malabo na yung sa GMA-7 kung meron mang negosasyon.

Sabi tuloy ng iba, hindi kaya ginagamit lang ang isyung paglipat sa GMA-7 para sa ilang inaayos na project?

Meron kasing style ang ibang artista na kunwari kinukuha raw ng GMA-7 o ng anumang istasyon para makapagpresyo nang bongga sa inaalok na project.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Malamang i-maximize ng TV5 si Maja Salvador. Kasi, napakalaking hakbang ang ginawa niyang pag-iwan sa Kapamilya network.

Isa ako sa mga nagsabing pangangatawanan ng TV5 ang pagkuha kay Maja at marami pa siyang magagawa para sa network.

Urian Best Actress iyan kaya she deserves to be given acting projects at maitatawid niya iyan.

Pero sa totoo lang, ang inaabangan ko, bukod sa projects niya, ay ang pag-iisang dibdib ni Maja at ng kasintahan niyang si Rambo Nuñez.

Sana, soon. Sana, all!

JERRY OLEA

Kumalat last week ang artcard na kesyo si Maja ang gaganap bilang kontrabidang si Zandra sa Voltes V: Legacy ng GMA 7.

Pero noong Pebrero 12, Biyernes, Chinese New Year, ay inihayag na si Liezel Lopez ang gaganap na Zandra.

Teka! Kasama pa ba sa Voltes V: Legacy si Myrtle Sarrosa? May pralala noong meron siyang importanteng role sa nasabing palabas, di ba?

Nabalitaan din nating sa Marso na magsisimula ang lock-in shooting ng Voltes V: Legacy.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng ating source, kailangan ng approval ng Toei Animation (Japanese producer ng Voltes V) ang script ng Voltes V: Legacy, maging ang mga detalye sa produksiyon.

“Tina-translate sa English ang script ng Voltes V: Legacy at ipinapadala sa Toei sa Japan. Binubusisi nila ang script, pati na ang costumes at technical aspects,” sabi ng source ng PEP Troika.

Pinagbubuhusan ng pawis, pera, at panahon ang Voltes V: Legacy na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumutang nitong mga nakaraang araw ang balitang lilipat diumano si Maja Salvador sa Kapuso network, pero pinabulaanan ito ng ilang taga-GMA-7 na nakausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results