PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick Monasterio sends direct message to Hidilyn Diaz

Derrick, gustong mag-training ng weightlifting kasama si Hidilyn.
by PEP Troika
Published Aug 18, 2021
Derrick Monasterio (kaliwa) gustong mag-training ng weightlifting kasama si Hidilyn Diaz (gitna). Inamin din ng Kapuso actor na trip niya ang musika ni James Reid (kanan).
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Kung crush pa rin ni Hidilyn Diaz si James Reid, ang Kapuso actor namang si Derrick Monasterio ay sobra palang fan ng ating first Olympic gold medalist.

Ngayong Miyerkules, August 18, ini-launch ang bagong single ni Derrick sa GMA Music na pinamagatang "Virgo."

Ibinahagi niya sa ilang entertainment press na bukod sa pag-arte at pagkanta, naka-focus din siya sa pag-eensayo ng weightlifting.

Siyempre, hindi niya puwedeng itangging fan siya ni Hidilyn at lagi raw siyang nagdi-DM sa alaga mo, Sir Noel!

“Lagi ko siyang dini-DM. Gusto ko kasi magpa-sign ng mga plates ko, ng mga shoes ko, gusto kong magpa-sign.

"Kasi, sinasabi ko sa kanya na, 'Pareho tayong ginagawa, na sana minsan mag-training tayo sabay,' ganyan.

“Kasi honestly, mas malakas siya sa akin nang sobra, e. Kahit na lalaki ako, kahit na mas mabigat ako sa kanya, mas mabigat yung binubuhat niya kesa sa akin.

“Gusto kong malaman kung ano yung technique para magawa yun,” pahayag ni Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa raw sa pangarap ng Kapuso actor ay lumaban sa Olympics at i-represent ang ating bansa.

“Gusto kong maging Olympic athlete. Yung ginagawa ni Hidilyn, mga two years ko nang tini-train 'yan.

“Gusto kong sumali sa Olympics,” pakli niya.

Seryoso raw siya sa training, lalo na ngayong nasa pandemic tayo at madalas ay nasa bahay. Naglalaan daw siya ng oras sa pag-eensayo ng weightlifting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Medyo malayo na rin yung narating ko sa training. Ngayon, sobrang nagdidisiplina na ako.

“Last time na uminom ako ng alcohol, one year ago pa. Talagang dinidisiplina ko na ang sarili ko,” dagdag niyang pahayag.

JAMES REID FAN

Pero gusto rin ni Derrick na balikan uli ang isa sa mga love niya—ang pagkanta.

Ngayon ay ibang-iba ang tipo ng mga kanta niya na hindi na ballad, at kaya pa nga niya ang opera.

Pagdating sa music ay si James Reid naman ang ina-idolize niya. Talagang pinapakinggan daw niya ang mga kanta ni James Reid at gustung-gusto niya ito.

“Hindi ako fan niya sa acting, pero fan ako ng music niya nang sobra.

“Ang ganda ng songs at grabe yung musicality, very talented.

“Sabi ko, gusto ko mag-create ng something na ganito. Out of my comfort zone.

“Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko, natatakot lang ako. Pero eventually ito na nga,” saad ni Derrick.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Medyo chill-chill na mala-party song ang "Virgo," at malay natin, puwede ring tumapat sa mga kanta ni James Reid.

NOEL FERRER

Sige, kapag nagkataon, ikonek natin si Derrick Monasterio kay Hidilyn Diaz at tingnan nating kung sino ang kayang bumuhat kanino.

For now, nasa Tagaytay pa si Hidilyn para sa Olympic Graduation nila. Tapos, itinurn-over na sa kanya ang pabuya niyang isang bahay sa Tagaytay.

Nag-text din sa akin si Chris Tiu na nagbigay raw ang dad niya ng lifetime membership sa Tagaytay Highlands para kay Haidie.

Labis na nababahala si Hidilyn sa ECQ situation natin ngayon.

Nag-iisip na siyang gumawa ng isang ayuda program lalo na kung mae-extend ang hard lockdown sa Metro Manila. Sisiguraduhin nating hindi ito magiging super spreader at properly coordinated sa mga nasa community.

Sasama kaya si Derrick sa community outreach service na ito ni Hidilyn kung sakali?

JERRY OLEA

Bumibilang ng taon ang pagsasanay upang mag-excel sa isang larangan, halimbawa’y sa weightlifting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puspusan ang pagsasanay para mapasali sa Olympic Games. Kailangang naka-focus ka diyan.

E, si Derrick, kung gusto niya talagang mag-focus sa pagiging atleta, kailangan niyang isakripisyo ang pagso-showbiz.

Mabuti naman at mas gusto na yata ni Derrick na ituon ang pansin sa pagiging mang-aawit. Baka nandiyan ang suwerte niya.

Sa pelikula kasi, dalawang beses na siyang naging leading man—sa Wild and Free (2018) katambal si Sanya Lopez, at sa Almost A Love Story (2018) katambal si Barbie Forteza.

Sumigla pa rin ang TV career nina Sanya at Barbie kahit matamlay ang kinita ng nasabing movies.

Kilig-kiligan ang BL fans sa deklarasyon ni Derrick sa isang interview kaugnay sa bro na si Alden Richards.

Pero harapin natin ang naghuhumindig na katotohanan na ang katambal ni Alden sa Kapuso teleseryeng The World Between Us ay si Jasmine Curtis-Smith. Kasado na rin ang pelikulang pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo.

Sa pakiwari ko’y wala sa plano ng Kapuso Network na lumikha ng tambalang AlDer para sa isang BL project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio (kaliwa) gustong mag-training ng weightlifting kasama si Hidilyn Diaz (gitna). Inamin din ng Kapuso actor na trip niya ang musika ni James Reid (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results