PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis cannot afford to fly to New York?

Lolit Solis, pinaglaruan na naman ang isyu ni Paolo Contis.
by PEP Troika
Published Sep 22, 2021
Ginawang balita ng ilang vloggers ang biro ni Lolit Solis na walang pamasahe si Paolo Contis (nasa larawan) papuntang New York, kaya nakiusap ang aktor sa talent manager na huwag na muna siyang banggitin nito.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Nagulantang na naman si Paolo Contis sa pasiklab ng ilang bloggers na ifinorward sa kanya ngayong Setyembre 22, Huwebes.

Ayon sa mga lumabas na reports, abala raw ngayon ang Kapuso actor sa pagba-Bible study.

Sinabi pang balak daw niyang pumunta sa New York sa darating na December para makipag-ayos kay LJ Reyes at madalaw ang anak nilang si Summer.

Nag-comment pa ang manager ng aktor na si Lolit Solis na baka mangutang pa si Paolo ng pambili ng ticket pa-New York.

Pinag-usapan ito sa online show nina Manay Lolit, kasama sina Cristy Fermin at Mr. Fu, noong Martes, September 21. Pero pawang biruan lamang iyon, at hindi nila sineseryoso ang side comments ni Manay Lolit.

Pero sineryoso ito ng ilang bloggers at ginawang balita sa mga blog nila. Kaya nag-text si Paolo sa kanyang manager upang makiusap na huwag na muna siyang pag-usapan sa show dahil napi-pickup ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sagot sa kanya ni Manay Lolit: “Hindi kita friend!”

May ilang bloggers kasing miyembro ng "the abangers," na walang ka-effort-effort kumuha ng balita. Nag-aabang-abang lang sila sa mga isyung pinag-uusapan sa online sites at pi-pickup na lang sila.

Sabi naman ni Manay Lolit, pawang biruan at hindi kaseryo-seryoso ang mga pinag-uusapan nila sa isyu ni Paolo. Dati naman na raw niyang ginagawang biruan at pinaglalaruan ang ibang isyu ng mga alaga niya.

“Kahit nga kay Bong [Senator Bong Revilla], kahit nung kay Rudy [Fernandez] pa noon ay pinaglalaruan ko na lang, para light lang, hindi na seryosohin.

“Huwag na lang niya ako pansinin, ‘no!” tili sa akin ni Manay Lolit.

Gusto lang daw muna ni Paolo na manahimik at magpaka-busy sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon, na gustung-gusto raw niya ang role niya rito.

JERRY OLEA

Hindi kagandahan ang mga balitang-Baguio before dahil sa birthday pasiklab ni Tim Yap, at iyong pagkakaroon ng COVID-19 ni Arjo Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil sinamahan ni Yen Santos “as a friend” si Paolo sa Baguio, ang Summer Capital of the Philippines ay naging "Friendship Capital of the Philippines."

Sina Paolo at Yen, naging Mr. & Ms. Friendship.

Meron kayang producer na gustong i-remake ang Viva movie nina Sharon Cuneta, Rowell Santiago, William Martinez, at Jackie Lou Blanco na Friends in Love (1983), na kinunan sa Baguio?

Sa tamang panahon ay inaasam nating maging good friends din sina Paolo at LJ Reyes alang-alang sa supling nilang si Summer.

Obviously, joke-joke-joke lang ni Manay Lolit na walang pamasahe pa-New York ang alaga niyang si Paolo, na tinaguring "Netflix King of the Philippines" at kabi-kabila ang trabaho.

Siyanga pala, salamat kay Manay Lolit sa birthday gift niya sa aking P3K worth ng GC sa Kamiseta Hotel na sa Baguio lang valid. Nagyaya tuloy ang Mega-Friend na si Bernard Cloma na mag-coffee roon.

NOEL FERRER

Hindi ko alam kung totoo ang sinabi ni Nay Lolit Solis na tumigil na si Paolo sa pagsasabing gusto niyang makipag-ayos kay LJ at wala siyang pamasahe papuntang New York.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Talaga?

Sa dami ng trabaho ni Pao ngayon, at dami niyang kaibigang puwedeng tumulong sa kanya, kaya niyang gawin iyan kung gugustuhin lang niya talaga.

Kung puwede lang mag-collect ng royalty mula sa mga gumamit ng kanyang pinasikat na line na “As a Friend” ay hindi lang sa New York makakaabot ang kanyang makukulekta.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ginawang balita ng ilang vloggers ang biro ni Lolit Solis na walang pamasahe si Paolo Contis (nasa larawan) papuntang New York, kaya nakiusap ang aktor sa talent manager na huwag na muna siyang banggitin nito.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results