PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza, "malungkot na masaya" sa huling araw niya sa ABS-CBN

Kim Atienza, maayos ang pagpapaalam sa ABS-CBN para lumipat sa GMA-7.
by PEP Troika
Published Oct 4, 2021
Kim Atienza on his last day in Kapamilya Channel: “Malungkot na masaya, mabigat na excited at higit sa lahat punong-puno ng emosyon. 'Yan ang aking huling araw sa ABS-CBN.”
PHOTO/S: YouTube

JERRY OLEA

“MY LAST DAY AS A KAPAMILYA…” ang vlog 57 ni Kuya Kim Atienza (KKA) na in-upload niya noong Oktubre 2, Sabado, sa kanyang eponymous YouTube channel.

“Malungkot na masaya, mabigat na excited, at higit sa lahat punong-puno ng emosyon. 'Yan ang aking huling araw sa ABS-CBN,” paglalarawan ni KKA sa naturang vlog na isang segundo na lang 24 minuto na ang haba.

“Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, Kapamilya. Hindi biro ang 17 years na maging bahagi ng inyong tahanan at maging bahagi din kayo ng aking araw araw.

“Lilisanin ko man ang ABS-CBN mananatili pa rin ang mga aral na naituro sa akin at naranasan ko bilang isang Kapamilya.

“Ang buhay nga ay weather weather lang ngunit magkikita pa rin tayo at magkakasama ano mang buti o sama ng panahon. “Maraming salamat sa inyong lahat!”

Pinost ni Kuya Kim sa kanyang Facebook page ang huling bahagi ng vlog kung saan paalis na siya sa ABS-CBN Compound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang Sabado ring iyon ay nag-post ang GMA News sa Facebook at YouTube ng 16-second video tungkol sa pag-welcome ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa isang “mysterious kuya.”

Sabi pa sa teaser: “Ang oppa ng kaalaman, malapit nang pusuan ng bawa’t Kapuso.”

Ni-repost iyon ni Dingdong sa kanyang Facebook page.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Oktubre 4, Lunes ng umaga, pinost ni Kuya Kim sa FB ang litrato nila ni ka-Troikang Noel Ferrer sa loob ng GMA Compound, Quezon City.

Pahayag ni Kuya Kim, “15 years of friendship.

“@iamnoelferrer was my EP in Magandang Umaga Pilipinas back in 2006 and my manager since.

“We've gone through thick and thin, good times and transitions that needed discernment, prayer and divine guidance.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Here begins a new chapter of our friendship and search for excellence and purpose kumpareng Noel! “Maraming salamat sa lahat.”

NOEL FERRER

Naka-witness na tayo ng mga paalamanan at paglipat from one network to another, and the two times I did it—from Atom Araullo to Kim Atienza—both had very good relationship with their bosses until now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naaalala ko when Iza Calzado naman left GMA-7 to ABS CBN, naging maayos ang pangyayari at, hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin ang mga taong involved.

In Kuya Kim’s case, it was so swift at masasabi nating God’s hands were at work.

Naging napakaayos ang paalamanan sa News & Public Affairs with Ging Reyes, Entertainment with Tita Cory Vidanes, at ABS-CBN head boss Carlo Katigbak na naganap 2-3 weeks ago pa—nang disente, personal, at kaibigan sa kaibigan.

Kahit itanong pa ninyo sa mga taga GMA bosses, sobra ring smooth at swift ng mga pangyayari.

Thank you, Nessa Valdellon, Marissa Flores, Lilybeth Rasonable, Annette Gozon-Valdes, Joey Abacan, at sa iba pang senior bosses sa pagpasok ni Kuya Kim sa Kapuso network.

Abangan natin ang opisyal na pahayag ng mga boss mamaya sa 24 Oras.

Pero ang masaya, Kuya Kim will continue being your credible crossover talent from news and public affairs and entertainment, at sa lahat ng free stations ng GMA with the widest reach now ay mapapanood siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda ring naka-state sa kontrata niya na tutulong siya sa campaigns ng Kapuso Foundation, na siyang mas mahalaga sa kanya kaysa pasukin at sumawsaw pa sa pulitika, kahit na ikinabigla rin niya ang pagsabak ng tatay niyang si Lito Atienza sa national politics.

Note na nasa kontrata mismo ni Kuya Kim na he cannot engage in anything related to the election campaign.

So, welcome to this new chapter in your career, Kim, and I’m sure there are a lot of things we can do in your new home three years and beyond!

GORGY RULA

Maayos ang pagpapaalam ni Kuya Kim.

Nagbigay ng pahayag ang ABS-CBN, at mananatiling Kapamilya pa rin daw si Kuya Kim para sa kanila.

Maganda at positibo ang mga komento sa pagiging Kapuso niya. Pero may mangilan-ngilang nagni-nega pa rin.

Mas mag-focus na lang tayo sa kung ano ang gagawin pang programa sa Kapuso network bukod sa partisipasyon ni Kuya Kim sa 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda kung mag-back-to-back sila ng Amazing Earth ng BFF niyang si Dingdong Dantes.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza on his last day in Kapamilya Channel: “Malungkot na masaya, mabigat na excited at higit sa lahat punong-puno ng emosyon. 'Yan ang aking huling araw sa ABS-CBN.”
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results