PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza on fans who wanted to boycott Daddy's Gurl

Maine Mendoza, sino ang ipapakilalang "boyfriend" sa Daddy's Gurl?
by PEP Troika
Published Oct 19, 2021
Maine Mendoza tikom-bibig sa nakaraang pagtatampo ng ibang fans dahil sa love-team issue sa sitcom na Daddy's Gurl: "I invoke my right to remain silent para wala nang issue. Parang wala naman ng issue kasi."
PHOTO/S: @mainedcm Instagram

GORGY RULA

Sa darating na Sabado, October 23, mapapanood na ang anniversary episode ng Kapuso blocktime sitcom na Daddy’s Gurl.

Hindi makapaniwala si Vic Sotto na naka-three years na ang sitcom nila ni Maine Mendoza. Kahit inabot ito ng pandemya at pahirapan sa taping na "work from home" ay nairaraos nila at maganda ang rating nito.

Kasabay ng third anniversary celebration ng Daddy’s Gurl, may mga bagong mukha silang ipakikilala na magiging regular sa naturang sitcom.

Sila ang Kapuso hunks na sina Prince Clemente na galing StarStruck, ang Mr. Pogi 2019 na si Carlo San Juan, at ang commercial model at basketball player na si Prince Carlos.

Sila ang gaganap na boarders sa bahay nina Stacey (Maine Mendoza) at ng daddy niyang si Barak Otogan (Vic Sotto).

Dagdag din sa bagong cast ang baguhang komedyanteng si Jem Manicad, na napansin sa pa-live streaming niya sa social media.

Sabi ni Direk Chris Martinez, may pa-abs sa mga eksena ang tatlong hunks na ito para dagdag-kuwela sa naturang sitcom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa Saturday po malalaman natin. Mare-reveal po sa kuwento kung paano po nakapasok ang tatlong ito. Magugulat kayo kung paano sila nakapasok," sabi ni Direk Chris.

Pero ang isa pa raw dapat abangan ay ang makaka-partner dito ni Maine. Nagpa-audition na raw sila at meron nang napiling guwapong aktor na gaganap na boyfriend ni Stacey.

"Parating na po. Inaasikaso na po natin. Inaasikaso na po ang kauna-unahang boyfriend ni Stacey ay parating na po, this season, promise," nakangiting pahayag ni Direk Chris.

"Maine, nag-usap na tayo, di ba? May napili na po. Parating na po.

"Isa po ‘yan sa dapat abangan sa next episode na magkaka-boyfriend na po si Stacey.

"Medyo bago-bago siya," dagdag niyang pahayag.

Hindi lang muna nila puwedeng sabihin kung sino ito, pero isa rin daw ito sa aabangan sa Daddy’s Gurl.

Handa na kaya ang AlDub fans at Mainenatics na magkaroon ng bagong ka-partner at baka maging ka-love team na rin ito ni Maine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ika-327 weeksary ng AlDub sa Huwebes, Oktubre 21. Magkakasama pa rin kaya sa isang frame sa Eat Bulaga sina Alden Richards at Maine?

Dahil sa Kapuso primetime series na The World Between Us, matagal nang hindi nasisilayan si Alden sa Eat Bulaga. Nami-miss ba niya ang Dabarkads?

E, ano kung may bagong kapartner si Maine sa Daddy’s Gurl? Noong Mayo 2017 pa nagtapos ang Kapuso teleseryeng Destined To Be Yours nila ni Alden.

Nakipagtambal na si Maine kay Carlo Aquino sa pelikulang Isa Pa With Feelings (2019).

Si Alden, nakipagtambal kay Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019), at makikipagtambal kay Bea Alonzo sa pelikulang A Moment To Remember.

Sa TV, naging love interest na ni Alden sina Janine Gutierrez (Victor Magtanggol, 2018), Thia Thomalla (The Gift, 2019), at Jasmine Curtis-Smith (The World Between Us).

Sa tunay na buhay, matagal nang may Arjo Atayde si Maine. Any moment, baka mamanhikan na si Arjo sa pamilya ng kanyang pinakamamahal. ArDub forever?!?!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano kamo ang masasabi ni Maine sa fans na kapag may tampo o galit sa artista, nagpapa-boycott ng show?

Kagaya sa Daddy’s Gurl, nagbanta dati ang AlDub fans na isa itong sitcom sa pinapa-boycott nila.

Sabi ni Maine, "I invoke my right to remain silent para wala nang issue. Parang wala naman nang issue kasi.

"Alam niyo naman, ang hirap na. Kung ano po yung lumalabas sa bibig natin, baka ma-misinterpret."

NOEL FERRER

Newsworthy ang pagkaka-announce na kasali na si John "Sweet" Lapus bilang writer sa Daddy’s Gurl.

With our teacher Ricky Lee joining the Entertainment Team of GMA-7, masaya ako na ang kapatid kong naging estudyante ng aming Maestro ay may bago na namang platform na puwedeng i-explore at pagsabugan ng kanyang maraming talento.

Matagal na rin naman silang magkasama ni Direk Chris kaya magandang addition si Sweet sa Daddy’s Gurl!

Truly, good content comes from a good story material… and excellent people to carry them out!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Happy Anniversary and All The Best sa Daddy’s Gurl!!!


HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza tikom-bibig sa nakaraang pagtatampo ng ibang fans dahil sa love-team issue sa sitcom na Daddy's Gurl: "I invoke my right to remain silent para wala nang issue. Parang wala naman ng issue kasi."
PHOTO/S: @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results