PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo joins showbiz; Sanya Lopez excited for First Lady

Rabiya Mateo, bagong leading lady ni Bong Revilla sa Agimat ng Agila.
by PEP Troika
Published Oct 21, 2021
Miss Universe 2020 Rabiya Mateo (left) officially joins showbiz as she is set to play Senator Bong Revilla's leading lady in Agimat ng Agila; Sanya Lopez (right), on the other hand, is set to start taping for First Lady, the book two of her hit primetime series First Yaya.
PHOTO/S: Instagram / GMA Network

GORGY RULA

Tuloy na tuloy na ang pagpasok ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa showbiz.

Siya ang kinuha ng GMA-7 para maka-partner ni Senator Bong Revilla Jr. para sa book two ng Agimat ng Agila.

Nakatakda silang magsimula ng taping sa susunod na linggo kaya puspusan na ngayon ang pag-eensayo ni Bong dahil kailangan niya talagang pumayat.

Kapag tapos na ang session nila sa Senado, isinisingit niya ang pag-eensayo at diet para mabawasan siya ng timbang. Minsan ay nagpi-Facebook live ang senador at ipinagmamalaki niyang mahigit 10 pounds na ang nabawas sa timbang niya at kailangan pa niyang magbawas.

Mas marami siyang action scenes na gagawin kaya kailangan talagang magaan siya.

Excited si Bong sa bago niyang makakapareha rito, at nakakatuwang sa Agimat ng Agila unang isasalang si Rabiya bilang artista.

Nilinaw naman ng production na kasali pa rin si Sanya Lopez sa show, pero hindi pa masabi sa amin kung ano ang participation ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimula na rin kasi si Sanya para sa First Lady, ang book two ng First Yaya. Bandang second week of November ay magsisimula na sila ng lock-in taping.

Excited na rin si Sanya, at pinaghahandaan na niya ito.

Pahayag ng Kapuso actress, “We’re excited po ulit kasi marami ang nag-aabang sa pagbabalik ng First Yaya sa TV at ngayon nga ay magiging First Lady na ito.

“Yung inaabangan nilang mga nakakakilig na eksena namin ni President Glenn [Gabby Concepcion] ay mapapanood nilang muli.

“Kung nagandahan at nag-enjoy sila sa First Yaya, siguradong mas lalo silang mapapasaya nitong First Lady.

“Doon pa lang sa transformation ko from being a yaya to a first lady ay siguradong kuwela ang mga eksena.

“Ayoko munang ikuwento ang details pero base sa ikinukuwento sa akin nina Direk LA [Madridejos] ay exciting pa lalo ang mga susunod na eksena.”

JERRY OLEA

Parehong wagi sa ratings ang Agimat ng Agila at First Yaya kaya dapat lang na may season 2 ang mga Kapuso series na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalalapit na ang pagtatapos ng Legal Wives, at sa Nobyembre 15 ay babalik na sa ere ang The World Between Us. Hindi man lang napantayan ng mga ito ang ratings ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Abang-abang tayo kung makakatulong si Rabiya sa Agimat ng Agila.

Hindi kaya mas bagay kay Rabiya na mag-ala-Serpenta (Michelle Dee)?

Epektibo kasi ang mga beauty queen na nagmamaganda at nagpapakahitad sa serye, gaya ni Maxine Medina sa First Yaya, at Winwyn Marquez sa Owe My Love.

NOEL FERRER

Alam ninyo, malaking tulong ang mga co-prod arrangements sa mga palabas ng GMA-7. From Daddy’s Gurl, Regal Studio Presents, at ito ngang Agimat ng Agila.

Nakakatanggal-umay sa pare-pareho na lang na kumbinasyon at puwedeng maging mas malaro pa sa konsepto.

Congratulations sa mga namamahala nito. More of these please! Dahil dito, ang audience ang panalo.

And welcome to GMA-7, somehow, Rabiya Mateo.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2020 Rabiya Mateo (left) officially joins showbiz as she is set to play Senator Bong Revilla's leading lady in Agimat ng Agila; Sanya Lopez (right), on the other hand, is set to start taping for First Lady, the book two of her hit primetime series First Yaya.
PHOTO/S: Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results