Darna, Captain Barbell, Lastikman sanib-puwersa sa animated series na Hero City Kids Force

by PEP Troika
Nov 5, 2021
city her kids force anime
Magsasanib-puwersa sina Captain Barbell, Darna, at Lastikman laban sa mga kasamaan sa animated series na Hero City Kids Force, na mpapanood sa iWantTFC app at website.

JERRY OLEA

Nag-cameo si Sharon Cuneta bilang Darna sa pelikulang Captain Barbell (MMFF 1986) nina Edu Manzano at Herbert Bautista.

Nagpasiklab si Regine Velasquez bilang Darna sa pelikulang Captain Barbell (MMFF 2003) nina Bong Revilla at Ogie Alcasid.

Noong 2007 ay gumawa ng teaser ad ang GMA-7 para sa Captain Barbell Meets Darna, na naka-line up para sa 2008 primetime shows. Nasa teaser si Richard Gutierrez bilang Captain Barbell, pero hindi pa tiyak kung sino ang magda-Darna rito.

Hindi nag-materialize ang nasabing teleserye. Nag-over da bakod si Chard, at maging ang rights ng Darna ay napunta sa ABS-CBN.

Napabalitang ngayong Nobyembre mag-uumpisa ang lock-in taping ng Darna: The TV Series, sa ilalim ng master director na si Chito S. Roño.

As of today, Nobyembre 5, ay naka-quarantine pa ang bidang si Jane de Leon at ibang mga artista.

Bukas, Nobyembre 6, Sabado, ay hihimayin ang mga kukunan — scene per scene.

Continue reading below ↓

Bukas din ng 8:00 a.m. sa iWantTFC app at website, libreng mapapanood sina Darna, Captain Barbell, at Lastikman sa bagong animated series na Hero City Kids Force. Kaalinsabay ito ng pagdiriwang ng National Children’s Month.

Ipapakita sa bawat episode ng Hero City Kids Force na ang bawat bata ay may kakayahang maging superhero sa maliliit na paraang alam nila, gaya ng pagmamahal, pagrespeto sa iba, at pagtulong sa kapwa.

Magsasanib-puwersa sina Darna, Captain Barbell, at Lastikman laban sa kabuktutan ni Dr. Sternberg na gumagawa ng mga halimaw na naghahasik ng lagim sa Hero City kasama ang sidekick nitong si Cyborgana.

Makakasama ng superheroes sa kanilang misyon ang mga kapitbahay nilang sina Maya, Andres, at Nono McCoolits, ang mabait nilang tagabantay na si Tita Joyce, at ang robot na si Georgie.

Bukod sa maaaksyong adventures, haharap din ang tatlong superheroes sa nakakatuwang challenges para ituro ang kahalagahan ng kalinisan, pagiging masunurin, pagpapakumbaba, katapatan, pagkain ng gulay, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU, at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa.

Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

By the way, nagbida si Dolphy sa mga pelikulang Captain Barbell (1973) at Darna, Kuno? (1979). Bukod-tangi ang Comedy King na gumanap sa dalawang pinakasikat na superheroes created by Mars Ravelo.

GORGY RULA

Ibinaba na sa alert level 2 ang buong NCR umpisa ngayong Nobyembre 5, Biyernes, dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa ating bansa.

Siguro, mas maluwag na pagdating sa safety protocols, dahil hindi na ganun kahigpit.

Pero sana, magsimula na talaga ang Darna: The TV Series dahil ilang taon na itong nasusulat, wala pa ring nangyayari.

Punung-puno na ito ng publicity. Kaya sana, matuloy na talaga.

Continue reading below ↓

Ang ganitong project ang dapat bigyan ng sapat na panahon bago iere. Kagaya sa GMA-7, walang pressure ang taping ng Voltes V: Legacy dahil next year pa ang schedule nito. Pero nakapagsimula na sila ng taping.

Ganun din ang Lolong ni Ruru Madrid na tuluy-tuloy pa rin ang taping, pero ang dinig ko, bandang middle of 2022 pa ang airing nito. May sapat silang panahon para sa special effects at pagpulido sa bawat eksena.

Samantala, nakapagsimula na ng taping ang book two ng Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla. Inuna muna ang mga eksena ni Sanya Lopez, dahil magsisimula na rin ito para sa kanyang First Lady.

Ngayong Biyernes na raw isasalang si Rabiya Mateo. Kaya kukumustahin ko siya kay Senator Bong dito sa bago niyang leading lady.

NOEL FERRER

Sa schedule na alam ko sa Darna, may fitting sila ng bagong costume this weekend.

Tuluy-tuloy na ang quarantine, tapos lock-in taping nila next week.

Continue reading below ↓

Kaya iwas-iwas na sa mga paparazzi na nag-leak sa press ng earlier costumes ng Darna dahil study pa lang ang mga iyon at kailangan pa ng final approval ng kanilang boss na si Julie Ann Benitez, na slight lang naman na-bother sa nag-leak na photos.

Pero heto, puro good vibes na lang sa pagsisimula na ng paglipad ng Darna, ang teleserye.

Naghahanda na rin sina Iza Calzado at Jane de Leon sa kanilang respective Darna roles, at mauuna munang kunan ang kanilang dramatic scenes.

Kapag nakagamayan na, umaatikabong aksyon na ang magaganap!!!

Challenged ang buong grupo sa pagiging captain of the ship ng master director na si Chito Roño. Lahat sila ay on-their-toes…. at disiplinado iyan…

Bawal ang mga tatakas sa taping katulad ng last nating blind item dahil matatalakan iyan nang todo ng premyadong direktor.

Sa pagbubukas ng ekonomiya at iba’t ibang industriya, sana ay may angking disiplina pa rin para hindi na tayo bumalik sa dating paghihigpit muli.

Continue reading below ↓

Teka, kapag Alert Level 2 ba, uso pa rin ba ang face shields?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsasanib-puwersa sina Captain Barbell, Darna, at Lastikman laban sa mga kasamaan sa animated series na Hero City Kids Force, na mpapanood sa iWantTFC app at website.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results