Ang pabagu-bagong ihip ng hangin sa pulitika at pelikula

by PEP Troika
Nov 6, 2021
Katips Yorme
Dalawa sa mga pelikulang ipapalabas soon ay ang biopic ni Isko Moreno at ang Katips? Pareho itong musical at may temang pulitika. (L) Jerome Ponce ang bida sa Katips, habang sina Xian Lim (R, middle), McCoy de Leon, at Raikko Mateo naman ang bida sa Yorme: The Isko Domagoso Story.

JERRY OLEA

Mabilisan noon ang shooting para sa biopic na Bato: The General Ronald de la Rosa Story, na ididirehe ni Direk Adolf Alix Jr.

Apat ang gumanap dito sa title role—sina Robin Padilla, Kiko Estrada, Ryle Santiago, at Miguel Vergara.

Leading lady rito ni Robin si Beauty Gonzalez, at kasama sa cast si Monsour del Rosario.

Ipinalabas agad ito noong Enero 30, 2019.

Sa 2019 Philippine Senate Election ay naka-19 million na boto si Bato, at panlima ang puwesto sa karera.

Fast forward ngayong 2021, ang laki ng pagbabago.

Nag-file ng candidacy si Bato sa pagka-Presidente para sa May 2022 elections.

Sina Robin at Monsour, kandidato naman sa pagka-senador.

Isa namang actor turned producer ang tumatakbo ring senador, si Joed Serrano. Balak noon ni Joed na mag-produce ng biopic niya, kung saan gaganap sa karakter niya sina Wendell Ramos at Charles Nathan. Kung hindi ako nagkakamali ay si Adolf sana ang magdidirek niyon.

Continue reading below ↓

Hindi pa iyon nag-materialize. Sa halip, ang prinodyus ni Joed bilang follow-up sa Anak ng Macho Dancer ay ang Kontrabida kung saan bida si Nora Aunor, with Adolf Alix Jr. as director.

Si Nora ay nominee sa party list na NORA A—National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.

Ayon sa source ng PEP Troika, hindi isinumite ang Kontrabida bilang aspiring entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021.

Isinumite roon ay ang horror trilogy na Huwag Kang Lalabas na idinirek ni Direk Adolf, at bida sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Kim Chiu. Independent si Aiko sa pagka-konsehal sa District 5 ng Quezon City.

Dapat sana’y pagka-Presidente ang tatakbuhang posisyon ni Joed Serrano. Kaso, ang kasamahan niya noon sa Monday group ng That’s Entertainment na si Manila City Mayor Isko Moreno ay kandidatong Presidente, at ayaw niya itong kalabanin.

Ang biopic ni Mayor Isko na Yorme: The Isko Domagoso Story ay nakatakda nang ipalabas sa mga sinehan sa Disyembre 1, World AIDS Day.

Continue reading below ↓

Isa itong musical na idinirek ni Joven Tan, at ang mga gumanap na Isko ay sina Xian Lim, McCoy de Leon, at Raikko Mateo.

Nasa cast din nito sina Jestoni Alarcon, Tina Paner, Ramon Christopher at Janno Gibbs na pawang produkto ng That’s Entertainment.

Aspiring entry ito sana sa MMFF itong Yorme: The Isko Domagoso Story. Pero ang latest update as 4 p.m. sa araw na ito, November 6, mula kay Direk Joven, hindi na nila ito isinumite sa MMFF.

Samantala, ang musical na Katips ay aspiring entry sa MMFF. Idinirek ni Vincent M. Tañada.

Bida rito si Jerome Ponce bilang isang medical student na lider ng National Union of Students in the Philippines (NUSP).

Ang setting ng Katips (“mga bagong Katipunero”) ay ang kasagsagan ng Martial Law noong rehimeng Marcos. Nakahabi sa istorya ang mga protesta at karahasan ng mga militar. Mapapanood ang trailer nito sa YouTube channel na Philstagers Films.

Continue reading below ↓

Paglalarawan sa trailer ng pelikula, “In the midst of uncertainty, there's no other passion that can pull us back to freedom but the burning fire that hides within each of us. #Katips is a tale of the young, in their fight for their ideals, how big can one get against a force too much bigger than yourself…”

Nasa cast din ng Katips sina Mon Confiado, Vince Tañada, Nicole Laurel Asensio, Sazchna Laparan, Dexter Doria, Lou Veloso, Johnrey Rivas, Patricia Ismael, Afi Africa, at Dindo Arroyo.

Ang anak ni dating Pangulo Ferdinand E. Marcos na si Bongbong Marcos ay kandidato rin sa pagka-Presidente.

Papatok kaya sa moviegoers ang musical genre?

GORGY RULA

Ilang beses na ba natin nasubukan ang musical films na hindi talaga umeepek sa takilya?

Kahit ang MMFF 2017 entry na Ang Larawan na napakaganda ang pagkagawa at magagaling na singers ang gumanap, hindi rin umariba.

Mabuti na lang at nakalimang awards ito sa MMFF kaya medyo nakabawi-bawi. Andami ring pumuri sa I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila! (2012) na pinagbidahan nina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos, pero below expectations ang ticket sales..

Continue reading below ↓

Paano natin ibebenta ang isang musical film kung hindi mga lehitimong singers ang mga gumaganap?

Agree ako sa sinasabi ng ilang taga-showbiz na dapat malalakas na pelikula, tampok ang mga bankable stars, ang kukuning entry sa ngayong taong MMFF, para makabawi-bawi naman pagkatapos magsara ang mga sinehan noong Marso 15, 2020.

Kailangan nating kumita. Kailangan nating makabawi. Kaya okay lang kung mga commercial films ang mapipili, at puwede na sigurong magsama ng isang musical film kung talagang maganda ang pagkagawa.

Kaya tama rin ang desisyon ng production ng pelikulang Kontrabida ni Ate Guy na hindi na iyon isumite sa MMFF dahil kakaiba ang pelikulang ito. Hindi raw pang-commercial kundi pang art house na hindi nababagay sa MMFF at hing pang-Pasko.

Siyanga pala, totoo ba ang narinig naming nanganganib daw na ma-disqualify ng COMELEC ang NORA A partylist ni Ate Guy? Masusing pinag-aaralan daw ngayon ng COMELEC ang mga isinumiteng partylist.

Continue reading below ↓

Kung hindi raw maabot ang pamantayang kailangan masunod, malamang sa alamang na maliligwak ito. Naku! Baka mag-super march pa-COMELEC ang Noranians kung malaglag ang NORA A Partylist!!!

NOEL FERRER

Malalaman natin ang walong official entries ng 47th MMFF sa Biyernes, November 12, 2021, sa Novotel Hotel, Araneta City, Cubao, Quezon City.

Yes, you read it right, ia-attempt namin sa MMFF Execom na mag-face-to-face presscon basta bakunado. At makikilala na natin ang bagong head ng MMFF Selection Committee na isang premyadong aktres. Magkita-kita tayo dun, mga ka-PEP Troika!

(Correction: Binago ang titulo ng artikulong ito dahil sa mensaheng natanggap ng PEP Troika mula kay Yorme director Joven Tan na hindi na isinumite ang pelikula sa MMFF.)

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawa sa mga pelikulang ipapalabas soon ay ang biopic ni Isko Moreno at ang Katips? Pareho itong musical at may temang pulitika. (L) Jerome Ponce ang bida sa Katips, habang sina Xian Lim (R, middle), McCoy de Leon, at Raikko Mateo naman ang bida sa Yorme: The Isko Domagoso Story.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results