Upstream at Vivamax, tuloy sa pagpapalabas ng mga pelikula kahit bukas na ang mga sinehan

by PEP Troika
Nov 12, 2021
rabid mahjong nights
(Left) Cheska Diaz is one of the stars of the Upstream original film Rabid; (right) new sexy star Angeli Khang is launched in the Vivamax movie Mahjong Nights.
PHOTO/S: Upstream / Vivamax

GORGY RULA

Masayang ipinagdiwang ng direktor at producer na si Direk Erik Matti at ng business partner niyang film producer ding si Dondon Monteverde ang unang anibersaryo ng streaming app na Upstream.

Dahil sarado ang mga sinehan noong 2020, sa Upstream napanood ang sampung pelikulang kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ngayong nagbukas na ang mga sinehan na limitado pa ang capacity, tiniyak nina Direk Erik at Dondon na tuloy pa rin ang Upstream. Marami pa rin silang original films na Tagalog at international na naka-line up.

Nababawasan na ang COVID cases at, hopefully, ibababa na sa alert level 1 ang National Capital Region (NCR), pero naniniwala si Dondon nandiyan pa rin ang COVID kaya mas mabuting nag-iingat.

May choice pa rin ang mga manonood kung lalabas sila para manood sa sinehan o nasa bahay lang at magbubukas ng Upstream para manood ng mga bagong pelikulang naka-lineup sa naturang streaming app.

Continue reading below ↓

“Maybe, if they want to watch at the comfort of their home, it is actually safer na sila-sila lang with their family, di ba?

“Aside from that, marami namang makukuha kayong pros when you go Upstream.

“Alam naman natin na by just one click, the whole family can watch na. Mas less cost sa ating mga kababayan,” sabi ni Dondon.

Dagdag na pahayag ni Direk Erik, “With or without the cinemas closing down, the TVOD platform we open is really here to stay.

“I think nga mas maganda ngayon na may sinehan na because, now, we can complete the cycle of first-run films.

“Puwedeng lumabas muna sa mga sinehan, diretso sa TVOD, diretso sa SVOD, diretso sa free TV, puwede din sabay.

“If a producer thinks na, sige, lalabas ako sa sinehan, pero for people who want to just watch it in the privacy of their homes…I think puwede din i-release namin sabay sa sinehan.

Continue reading below ↓

“The more options we have, the better, because we really open Upstream as a way for content producers who thrive or have more control over how we recoup their investment to a certain content.”

Ngayong araw, November 12, ay magsisimula nang i-stream ang bago nilang pelikulang Rabid, na may apat na kuwentong nakapaloob dito.

Si Direk Erik Matti ang direktor, at ilan sa mga artistang nasa pelikulang ito ay sina Ricci Rivero, Vance Larena, Donna Cariaga, Jake Macapagal, Cheska Diaz, ang magkapatid na Kent at Pam Gonzales, at marami pa.

rabid movie poster

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Mahihina ang entries ng MMFF 2020 na nag-streaming sa Upstream, lalo pa’t napirata agad ang mga ito.

Mabuti at ang ibang entries ay nag-streaming afterwards sa iba pang platforms gaya ng KTX at Vivamax. Iyong topgrosser ng MMFF 2020 na Fan Girl ay nag-Netflix.

Sa Facebook post ni Direk Erik Matti noong Nobyembre 4, sinabi niyang nagulat siya sa ingay ng A Girl + A Guy sa Twitter at Tiktok nang ipalabas na ito sa Netflix.

Inamin ni Direk Erik na na-disappoint siya nang mag-streaming ang A Girl + A Guy sa Upstream noong Hunyo.

a girl and a guy cast

Continue reading below ↓

Ilang buwan ang lumipas bago may malaking handog ang Upstream, itong tetralogy na Rabid.

Facebook post ni Direk Erik noon ding Nobyembre 4, “When the pandemic struck in 2020, the horror was real. This film came out of that ordeal. We almost went crazy on last year’s lockdown. We made this film to capture that feeling of helplessness that bordered on insanity.

“4 crazy stories about crazy people. No monsters. No ghosts. Just the familiar feeling that we all went through in the year that was. Terrifying when we were in that moment but might be funny quirky too when we look back on it now. Like a bad acid trip.”

Mahihirapan ang Upstream na sumabay sa Vivamax kung twice or thrice lang ito may payanig na pelikulang Pinoy sa loob ng isang taon. Sa Vivamax, halos linggu-linggo ang pagratsada.

Magpapasalat na today, November 12, sa Vivamax ang erotic thriller ni Angeli Khang na Mahjong Nights.

Continue reading below ↓

mahjong nights poster

Naka-lineup na ang drama nina Yassi Pressman at JC Santos na More Than Blue (Nobyembre 19), ang greedy cabbage ni Kylie Verzosa sa My Husband, My Lover (Nobyembre 26), ang batuhan ng putik sa langit ng Pornstar 2: Pangalawang Putok (Disyembre 3), ang nakaka-cymbal na Palitan (Disyembre 10), ang paghahatid muli ni AJ Raval ng pantasya sa Crush Kong Curly (Disyembre 17), at ang superhero comedy ni Janno Gibbs na Mang Jose (Disyembre 24).

Continue reading below ↓

More and more and more ang mga bagong pelikulang ihahandog ng Vivamax sa 2022, at napukaw na ng Vivamax ang pansin ng MTRCB sa ilalim ng bagong pamunuan ni Atty. Jeremiah P. Jaro.

NOEL FERRER

Happy Anniversary sa Upstream, at excited tayong mapanood ang obra maestra ni Direk Erik Matti na OTJ: The Missing 8 na lumikha ng magandang impression sa 78th Venice Film Festival, lalo na kay John Arcilla.

on the job 2 poster

Continue reading below ↓

Nauna nang napabalita na ipapalabas ito sa CCP sa Disyembre 9, pero ang latest ay hindi na raw matutuloy ito. Bakit? Maganda sana na ang likhang Pinoy ay mapapanood din mismo ng mga Pinoy dito sa atin.

Ibinalita ni Direk Erik sa Facebook na ipapalabas ang OTJ: The Missing 8 sa Enero 2, 2022 sa Museum of Modern Art (MOMA) sa New York.

Ani Direk Erik, “The first #OTJ was also screened in MOMA a few years back and I wasn’t able to be there. This time I will be introducing the film and will have a Q and A after the screening. It will be such an honor.

“Friends and relatives in New York and the States, come join us as we screen the film for the first time in North America. See you all!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Cheska Diaz is one of the stars of the Upstream original film Rabid; (right) new sexy star Angeli Khang is launched in the Vivamax movie Mahjong Nights.
PHOTO/S: Upstream / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results