Matagal nang hiwalay ang dating magkasintahang sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann.
Bukas din ang mga ito sa magandang co-parenting status nila sa nine-year-old daughter na si Ellie Eigenmann.
Kahapon, September 24, nag-post si Jake sa Instagram ng litrato nila ni Ellie na kuha sa airport dito sa Manila.
Hinatid ni Jake si Ellie, na papuntang Siargao kunsaan nakabase ang inang si Andi.
Nakasaad sa caption ni Jake ang mga salitang "never not tough" bilang paglalarawan sa nararamdaman niya kapag nagkakahiwalay sila ng anak.

Isang netizen ang nagkomento tungkol sa co-parenting set-up nina Andi at Jake.
Apektado raw ang anak dahil sa hiwalayan ng mga magulang.
Sabi ng netizen (published as is), "This is the big lesson of both parents before separating their lives, we must consider our children first [crying emoji]. Kaya ayaw ko mag asawa eh [laughing and crying emojis]."
JAKE: "WE TRY OUR BEST TO MAKE IT WORK"
May sagot si Jake sa netizen na huwag sana itong mag-overgeneralize sa sitwasyon nila ni Andi.
Mas hindi raw tamang ipilit ang isang bagay na sa huli ay mas hindi makabubuti para sa anak.
Paliwanag ni Jake: "lesson is here is not to overgeneralize.
"Not everyone has it easy and forcing something that will never be will just be worse and even more traumatic for children."
Hindi man daw sila nagkatuluyan ni Andi ay sinisikap nilang magkaroon ng maayos na co-parenting relationship para kay Ellie.
"These are the cards we were dealt and we try our best to make it work with Ellie's well-being as top priority."

GOOD TIES AMID UNCONVENTIONAL SET-UP
Naghiwalay sina Jake at Andi noong September 2014 matapos ang apat na taong on-and-off relationship.
Matagal nang masaya si Andi sa piling ng fiancé na si Philmar Alipayo. Mayroon silang dalawang anak.
Malapit si Ellie kay Philmar, habang si Andi ay hands-on mom sa tatlong anak.
Si Jake ay single sa ngayon, pero bukas siya sa pagiging proud daddy ni Ellie.
Noong June 2021 ay pumunta si Jake sa Siargao para bisitahin doon si Ellie.
