Alden Richards, Tom Rodriguez excited mag-white Christmas sa Amerika

by PEP Troika
Nov 17, 2021
Alden Richards, Tom Rodriguez, Carla Abellana to spend Christmas 2021 in the U.S.
Alden Richards, kasama ang pinsang taga-Surigao sa bakasyon niya sa U.S. sa Disyembre. Plano naman ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez na magrenta ng cabin sa Arizona at doon ma-enjoy ang White Christmas.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @patdy11 Instagram

GORGY RULA

Sana talaga, tuluy-tuloy na itong pagbaba ng COVID-19 cases para ma-enjoy na natin ang normal na pagdiriwang ng Pasko, di ba, mga ka-Troiks?

Magiging abala tayo sa pagbabalik ng Metro Manila Film Festival sa mga sinehan, pero ang ibang celebrities ay kating-kati nang lumipad at i-experience ang Pasko sa ibang bansa.

Sa katatapos lang na virtual mediacon ng pagbabalik ng The World Between Us sa darating na November 22, tinanong namin ang main cast ng naturang drama series na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, at Dina Bonnevie kung ano ang plano nila sa darating na Pasko.

Maiiba ba sa kanilang Pasko nung nakaraang taon na kainitan pa ng COVID-19?

Sina Alden at Tom ay lilipad pala ng Amerika para doon mag-Pasko.

Kasama ni Alden ang kanyang pinsan na lilipad pa-San Francisco, California para doon mag-Pasko at Bagong Taon.

Idideretso na niya ito sa kanyang kaarawan sa January 2. Makakasama raw niya roon ang kanyang kuya.

Continue reading below ↓

"Kasi, after two years, yun po ang pinakauna kong international flight ulit," pakli ni Alden.

Gusto man daw ni Alden na isama ang kanyang pamilya, hindi puwede dahil hindi sila makakuha ng schedule sa U.S. Embassy para sa U.S. visa.

"Yung embassy po, nag-backlog po sila for application. So, the next available po, next year.

"Ang may visa lang po is my cousin na taga-Surigao, so parang kami lang po ang makakalipad," dagdag na kuwento ni Alden.

Ang bagong kasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay magpa-Pasko sa Amerika sa pamilya ng Kapuso actor. Parang karugtong na rin daw ito kanilang honeymoon na sinimulan nila rito sa Pilipinas kasama ang pamilya ng kanyang misis.

Sabi ni Tom, "Makakasama ko si Misis. Pupunta kami sa States finally for the first time since the pandemic, para mag-celebrate dun kasama yung family ko naman dun sa States.

"Dun naman mag-rent ng cabin. Sa cabin kami up North, sa Arizona pa rin, pero may konting snow para mas ramdam namin yung Christmas kaya magkasama kami," pahayag ni Tom na excited sa bakasyon nila ni Carla.

Continue reading below ↓

Kakaiba naman daw ang Pasko ngayon ni Dina dahil first Christmas niya ito na hindi niya makakasama ang kanyang ama na pumanaw noong November 1.

"My dad just passed away last November 1st. This is the first Christmas I’m going to spend without him.

"Still together with the family. Most likely, we’ll spend Christmas here, not in Ilocos. Kasi, nandito rin yung mommy ng husband ko.

"And I’d like to be here kasi gusto kong puntahan ang dad ko sa Columbary. It’s gonna be a little bit different, pero yun na nga, e, kung kailan puwede ang hug and everything, saka naman nawala si Dad.

"I plan to still do the same thing—Christmas party to the office, and then friends ganun, get together, family mostly this Christmas."

Natapos nila ang taping ng The World Between Us na mas pinatindi nila ang kuwento, para matiyak nilang pasabog ang pagbabalik nito sa GMA Primetime.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa ngayon ay wala pa raw definite na plano si Jasmine Curtis-Smith.

Ang sigurado lang daw ay kasama niya ang kanyang pamilya sa araw ng Pasko.

"Probably just stay put here now at the moment. Siguro po, my dad, kasi nakabase po sa Pampanga.

"So, baka kung sakali po, I might spend it with him, with my sister there. Yun lang po for now. Or baka La Union kung sakali."

Teka, wala bang namuong something sa lead characters na kinakikiligan na sina Jasmine at Alden?

Sobrang alaga ang lahat ng kanilang production head na si Anthony Pastorpide na umaasa na sana, may pagmamahal na namuo sa set.

JERRY OLEA

Kung magla-La Union si Jasmine, ibig sabihin ba niyon ay going strong pa rin sila ng kanyang boyfriend?

Noong Hunyo ay natsismis na naman na nagkalabuan na sila ni Jeff Ortega. Kung sila pa rin, sa Pebrero ay ikalimang anibersaryo na nila.

Continue reading below ↓

Kaya naaasiwa ang mga Marites, Marietta, Marisol, Marissa, Maris, Marina, Maribel, Maricar, at Mariposa kung pilit na ili-link si Jasmine kay Alden. So, magwa-White Christmas si Alden sa Frisco—City of Fog, Golden Gate City, Baghdad by the Bay.

Maraming mapapasyalan doon ang Asia’s Multimedia Star. Hopefully ay makapag-relax-relax siya roon matapos ang umaatikabong pagkayod.

Pangungunahan pa rin kaya ni Alden ang Kapuso New Year Countdown virtually? Masisilayan ba natin si Alden sa Eat Bulaga bago matapos ang taon?

Bitin na bitin tayo sa participation ni Alden sa first ever Christmasmas carols ng Dabarkads. Ampogi-pogi pa naman ngayon ni Alden dahil na rin sa kanyang diet. Pwede ba niya iyong i-share sa fans?

Syempre pa, napaka-romantic ng first Christmas nina Tom at Carla bilang mag-asawa. Nawa’y makabuo sila roon ng baby! Cheers!!!

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards, kasama ang pinsang taga-Surigao sa bakasyon niya sa U.S. sa Disyembre. Plano naman ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez na magrenta ng cabin sa Arizona at doon ma-enjoy ang White Christmas.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @patdy11 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results