PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sparkle launching; Bea Alonzo joins Kapuso New Year Countdown

Ano ang mga dapat abangan ng publiko sa Sparkle?
by PEP Troika
Published Dec 29, 2021
sparkle billboard
Simula sa December 31, 2021 ay kikilalanin nang Sparkle ang talent management arm ng Kapuso network na dating kilala bilang GMA Artist Center.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nakapaskil na ngayon sa GMA Network ang malaking billboard ng Sparkle.

Sparkle na ang bagong tawag sa talent management arm ng GMA-7 na dating kilala bilang GMA Artist Center.

Ano ang aabangan sa Sparkle? Mas magiging active at mas productive ang mga artistang hawak nila. Ito ang pangako ng mga ka-Sparkle!

Tuloy pa rin ang pagma-manage nila sa mga kasalukuyang artists, at bukas pa rin sila sa bagong talents na iha-handle nila. Welcome din ang mga posibleng lilipat mula sa Kapamilya Network!

Nandiyan at tuloy pa rin ang pagma-manage nila sa mga dating taga-Kapamilya kagaya nina Pokwang, Richard Yap, Luis Hontiveros, at Khalil Ramos.

Tuloy pa rin ang regular weekly auditions na ginagawa muna nila online. Kaya sa mga interesadong mag-audition, puwede ninyong i-check ang kanilang social media account na isasabay ang pagbubukas sa launching ng Sparkle.

Sa ngayon ay deactivated na muna ang lahat na socmed ng GMA Artist Center dahil magiging Sparkle na ito simula sa December 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa na ba kayo, mga ka-Sparkle?

JERRY OLEA

Mag-i-sparkle ang Kapuso artists sa Kapuso Countdown to 2022: The GMA New Year Special sa Disyembre 31, Biyernes, ng 10:30 p.m., sa GMA-7 at GMA Pinoy TV.

Pangungunahan pa rin ni Alden Richards ang constellations ng Kapuso stars na magniningning sa kani-kanyang world-class paandar.

Ito ang unang Kapuso New Year Countdown celebration ni Bea Alonzo, na magpe-perform ng hit songs na "Mr. Perfectly Fine," "10,000 Hours," at "Love Again" with Alden bilang patikim sa pinakahihintay nilang tandem!

"Liwanag sa Dilim" ang opening number kung saan sama-samang magsasabog ng luningning sina Alden, Bea, Christian Bautista, Garrett Bolden, Rayver Cruz, Rochelle Pangilinan, Mark Herras, Aicelle Santos, Hannah Precillas, Jessica Villarubin, Lexi Gonzales, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, at Julie Anne San Jose.

Hahataw sina Rochelle, Mark, Rayver, at Kyline sa saliw ng "Laser Lights."

Magpapasiklab sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Khalil Ramos, Bianca Umali, Sanya Lopez, and Derrick Monasterio sa performance ng trending songs na "Me," "Physical," at "Hold On."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Haharanahin nina Rocco Nacino, Rayver, Derrick, Garrett, at Jeremiah Tiangco ang televiewers sa mga awiting naghahatid ng pag-asa.

Aawitin ng The Clash Grand Champion na si Mariane Osabel at runner-up Vilmark Viray ang original compositions mula sa songwriting competition ng programa, ang "Umuwi Ka Na" at "Bakit Mahal Pa Rin Kita."

Kapana-panabik ang pasilip ng GMA-7 sa ground-breaking project na Voltes V: Legacy.

In tune with the spirit of giving, GMA Kapuso Foundation continues its commitment to deliver much-needed public service during these trying times — from COVID-related assistance and currently to those affected in Visayas and Mindanao by Typhoon Odette.

During the New Year Countdown, details on where to donate will be flashed on the screen for Kapuso viewers who wish to extend help to those recovering from the calamity.

At siyempre, sa pagsalubong sa 2022, magliliwanag ang kalangitan sa grand fireworks show sa SM Mall of Asia.

Truly, it’s gonna be a magical and spectacular Sparkle!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Change is good basta it’ll bring about better systems and outputs?

Totoo ba ang bali-balitang wala na raw sa GMA at Artist Center si Simoun Ferrer

Gusto ko pang mas maramdaman ang magical presence ni Mr. M na alam nating ang laki ng magagawa sa Artist Center o Sparkle.

Things can only get brighter! All the best!!!

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa December 31, 2021 ay kikilalanin nang Sparkle ang talent management arm ng Kapuso network na dating kilala bilang GMA Artist Center.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results